Mother Lily Monteverde, all-out ang suporta sa pelikula ni Piolo Pascual

ADVERTISING

Mother Lily Monteverde, all-out ang suporta sa pelikula ni Piolo Pascual

Mother Lily Monteverde And Piolo Pascual
Mother Lily Monteverde And Piolo Pascual
Direk Dondon Santos Giving Instructions To Piolo Pascual And Yen Santos On The Set Of Once In A Lifetime
Direk Dondon Santos Giving Instructions To Piolo Pascual And Yen Santos On The Set Of Once In A Lifetime

Love talaga ni Mother Lily si Piolo Pascual dahil kahit super expensive na mag-shooting ng “Once In A Lifetime” ng aktor with Yen Santos sa New Zealand, compare sa cost of production kung sa Amerika ang shooting ng pelikula ni Direk Dondon Santos, oks lang sa producer.

Very vocal naman talaga si Mother sa paghanga niya kay Piolo even before pumirma ng kanyang kontrata ang actor sa Regal Films recently for this film.

Say ni Mother Lily na very supportive sa project ni Piolo: “Basta si Papa P. all-out ang Regal, pahayag ng Regal Films producer na nagse-celebrate ng kanyang 77th birthday ngayong Friday, August 19.

Sa kanyang kaarawan, gusto ni Mother na i-celebrate ito kasama ang entertainment press na malaki ang naitulong sa kanyang Regal Films production. Sa simula pa lang, malaki ang utang na loob ni Mother Lily sa entertainment press na always sumusuporta sa kanyang mga projects mula pa noon.

ADVERTISING

Kung maaalala pa, love ng mga beki si Mother. Actually, mula nang pasukin niya ang film production (dati silang international film booker and distributor at nagmamay-ari ng mga sinehan sa Avenida Rizal bago sila nag-venture into film production), lumikha siya ng mga artistang tulad nina Alma Moreno at Rio Locsin, ang kanyang Regal Babies na sinimulan nina Dina Bonnevie, Maricel Soriano, Snooky Serna, ang namayapang si Alfie Anido, Albert Martinez, William Martinez, hanggang sa pagla-launch ng mga career noon nina Aiko Melendez, Ruffa Gutierrez, at marami pang iba. Sa mga hindi nakaaalam, isang movie fan si Mother, kaya ang pagpo-produce niya ng mga pelikula noon at magpasa-hanggang ngayon ay hindi lang isang negosyo, kundi isang passion.

Sabi nga ni Mother Lily noon, “I’m a movie fan. Love ko ang showbiz,” sabay halakhak niya, dahil giliw na giliw siya sa showbiz.

Sa kaarawan niya ngayon, sayang at hindi niya makasasama si Papa P. dahil nasa shooting nito sa New Zealand. Pero may sorpresa raw ang mga production staff na pinangungunahan ng Supervising Producer na si Manny Valera at ng actor, ayon sa isang Regal Film insider na nag-tip sa amin.

Last Wednesday ay nag-first shooting day na sina Piolo, Yen, at Raiko.

After the success of Regal’s beki rom-com movie recently na “That Thing Called Tanga  Na” ni Direk Joel Lamangan, next in line naman ang mga pelikulang “My Rebound Girl” na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga at Joseph Marco, “The Escort Girl” ni Lovi Poe with Christoper de Leon and Derek Ramsay, and a lot more na dapat abangan ng mga Pinoy na mahilig sa pelikulang Pilipino.

Anyway, HAPPY BIRTHDAY, MOTHER LILY!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING