Mother Lily Monteverde, 14 na taong naghintay kay Piolo Pascual

ADVERTISING

Mother Lily Monteverde, 14 na taong naghintay kay Piolo Pascual

LABING-APAT na taon pala ang hinintay ni Mother Lily Monteverde bago muling nakagawa ng pelikula si Piolo Pascual sa Regal Films.

ADVERTISING
Mother Lily Monteverde, 14 na taong naghintay kay Piolo Pascual
Si Piolo Pascual kasama ang mag-inang executive producers ng Regal Entertainment na sina Roselle Monteverde at Mother Lily Monteverde
Mother Lily Monteverde, 14 na taong naghintay kay Piolo Pascual
Si Mother Lily Monteverde habang binabasa ang kayang heartwarming message para Piolo Pascual sa presscon ng “Northern Lights: A Journey To Love”. Nasa litrato rin sina Yen Santos, Raikko Mateo, at Direk Dondon Santos.

Nakausap naman ang Regal matriarch prior to her welcome speech for Piolo yesterday sa presscon ng “Northern Lights: A Journey To Love” na idinirek ni Dondon Santos para sa Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema. Kabituin ni Piolo sina Yen Santos at Raikko Mateo sa pelikula na showing na on March 29.

“It took 14 years bago siya bumalik sa Regal. I produced a film for Piolo with Joyce Jimenez before. I love Papa P,” proud na proud na pagkukuwento sa amin ni Mother Lily.

Sa harap ng media, pinaiyak ni Mother Lily si Piolo nang basahin niya ang kanyang message para sa aktor. Hindi nga inaasahan ni Piolo na mauuwi sa pag-iyak niya ang touchiong at very emotional message ni Mother Lily para sa kanya.

ADVERTISING

Panimula ni Mother Lily, “I want to share with you my personal journey with my good friend Piolo Pascual.

“The first time I met Papa P, I knew he was special. Not only do I find him to be a brilliant actor, but also a diligent one as well. His eyes speak of sincerity, his heart is full of compassion for others.

Right there and then, I thought this guy would go a long way in his career. And I was right.

Pagpapatuloy pa ng producer ng Regal, “14 years ago, he did ‘I Think I’m in Love’ with us. Now, 14 years later, he did ‘Northern Lights’ and it’s an answered prayer. Our common love and passion for the art led him to a new journey back to Mother Lily and Regal. From the bottom of my heart, thank you, Papa P. I am overjoyed.

“A very generous man, on the last shooting day of ‘Northern Lights’, he shared his talent fee with the staff and crew. Nag-iyakan ang mga taga-production and they love him to death now.”

“As for me and my family, we love you too, Papa P. We will support you all the way!” Pagtatapos ni Mother Lily.

Habang binabasa ni Mother Lily ang kanyang mensahe para kay Piolo, naiiyak naman ang aktor. 

Sabi ni Piolo patungkol sa kanyang pag-iyak, “Sorry I got emotional. Bata pa ako, I’ve been watching na the movies of Regal and I know that Mother Lily and I share the same passion for making movies.

“It now feels so good that I did ‘Northern Lights’ for Regal and we all worked so hard to come up with a movie like this. We should all be grateful to Mother Lily for what she has been doing for us all these years, for her passion to make movies and pure entertainment.”

Mother Lily is Mother Lily. Kahit may ilang kalokahan din siya tulad sa kuwento ng iba niyang nakasama sa trabaho, si Mother Lily, mahal niya ang indsutriya ng pelikulang Pilipino at nakatutulong siya sa mga artista, sa mga manggagawa ng pelikula, at sa mga press people na nagpo-promote at sumusulat ng kanilang balita at kolum tungkol sa projects ng Regal.

Basta si Mother, always good vibes ‘yan.

ADVERTISING