Mother Lily, happy sa dalawang Pista ng Pelikulang Pilipino entries niya

ADVERTISING

Mother Lily, happy sa dalawang Pista ng Pelikulang Pilipino entries niya

Mother Lily, happy sa dalawang Pista ng Pelikulang Pilipino entries niya
Mother Lily with Team Signal Rock

DALA-DALAWA ang entry ng Regal Films para sa darating na FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap sa August 15 to 21.

ADVERTISING

Una ay ang pelikula ni Christian Bables na dinirek ni Chito Rono para sa kanyang CSR.PH na production outfit na two weeks nag-shooting sa Biri Island sa Samar.

Co-production ng Regal with Direk Chito ang pelikulang Signal Rock kung saan kasama sa cast sina Mara Lopez, Daria Ramirez, Nanding Josef at Elora Espano na gumaganap bilang girlfriend ni Christian sa pelikula.

Mother Lily, happy sa dalawang Pista ng Pelikulang Pilipino entries niya
Vhong Navarro and Mother Lily

Pangalawa ay ang all-out comedy film ni Vhong Navarro with Winwyn Marquez na Unli Life directed by Miko Livelo na sa trailer pa lang ay laugh trip ka na ay inaasahan na magiging box-office ito sa katatawanan.

ADVERTISING

Kaya nga wala man sa mga pelikula ni Mother Lily Monteverde na nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2018, malungkot man ang Regal Matriarch at walang entry ang Regal ay happy na rin siya sa dalawang film entry ng kanyang Regal Film outfit.

“I feel so bad…The festival in December is more important,” pahayag ni Mother sa media.

From an insider, may mga movies si Mother na susubukan niya na mai-submit for the December filmfest.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING