Morning show ni Marian Rivera, matsutsugi na?

ADVERTISING

Morning show ni Marian Rivera, matsutsugi na?

Marian Rivera
Marian Rivera

Palala nang palala ang chika sa morning show ni Marian Something.

Kung sinasabing hindi nagre-rate ang show ni Marianita, ang latest chika ngayon ay tsutsugihin na raw ito ng GMA-7.

Parang tinatamad na yata ang executives ng GMA na ituloy pa ang show dahil kahit na ano’ng gawin nila ay hindi naman nagre-rate ang show ni Marianita. Kahit na ano’ng gimik ang gawin nila ay balewala pa rin, palaging butata ito sa rating.

Kais naman, starlets of the highest order ang parating guests na hindi nakatutulong sa pagkumbinsi na manood ang mga tao.

ADVERTISING

Pero hindi kami naniniwalang nasa chopping board na ang show ni Marianita. Siyempre, pride ng Siyete ang masasaling kapag tsinugi nila ang show, dahil Primetime Queen nga si Marian, ‘di ba, kahit na matagal na itong walang primetime show.

Nakatatawa, ‘di ba?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING