Morning celebrity talk show ni Marian Rivera, napaaga ang pagkatsugi?

ADVERTISING

Morning celebrity talk show ni Marian Rivera, napaaga ang pagkatsugi?

Marian Rivera
Marian Rivera

Marami ang nagulat sa kumakalat na balita na nalalapit na ang pagtatapos ng morning celebrity talk show ni Marian Rivera sa Kapuso Network na “Yan ang Morning”.
Balitang ang mababa nitong rating ang dahilan ng maagang pagkakatsugi ng show na ito ni Marian. Kaya naman daw hindi na raw ito pinatagal pa ng Kapuso Network.
Bukod pa sa mga bali-balitang nalilimita raw ang mga nagiging guest dito dahil kailangang aprubado pa ni Marian Rivera kung sino ang magiging guest. Kahit nga raw sa magiging theme ng kanilang magiging episode at script nito ay may say pa rin daw si Marian.
Kaya naman ang ending ay maagang pagbababu ng kanyang show.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING