Mona Louise Rey, kahanga-hanga ang pagharap sa sakit

ADVERTISING

Mona Louise Rey, kahanga-hanga ang pagharap sa sakit

Mona-Louise-ReyTHERE’S A child in us, so they say.

Meaning, kahit bagets no more na tayo, we still take fancy at kid stuff. At one point, hindi natin matakasan ang child-like behaviour, how much more the kids themselves?

Sa ganitong tema iikot ang kuwento ng bagong serye ng GMA, ang My BFF, to premiere today. In the lead are two of the network’s most brilliant child stars na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey (not the older “Louise” na feeling maganda, ‘no!) whose characters redefine the meaning of friendship as well as family relationship.

Of the two, hanga kami sa katapangan ni Mona Louise who, as everybody knows, is diabetic at her very tender age. At alam n’yo bang she administers insulin shots herself sa kanyang katawan kahit sa set? Yet this adorable angel hardly complains, work lang siya nang work dahil aniya, “Gusto ko po talagang matupad ang pangarap ko, ang maging artista.”

ADVERTISING

Parang sinaksak na ewan ang puso namin sa magkahalong awa at lungkot para kay Mona Louise, pero ang dapat palang mas manaig ay ang paghanga sa batang ito.

Atta girl!

 

VERY WARMLY received ang ngayo’y second and final week nang TV special ng TV5 na Juan Experiment ng Juan Direction in the network’s thrust to further strengthen its weeknight primetime block.

Tampok sa TV special that airs at 7:30 pm, Mondays to Fridays, ang limang half-Pinoy hunks na sina Daniel Marsh, Charlie Sutcliffe, Michael McDonnell, Brian Wilson at Henry Edwards.

Layunin ng Juan Experiment ng Juan Direction na subukan ang kakayahan ng limang half-Pinoy hunks na makihalubilo sa mga Pilipina to establish their cultural differences, however hindi ito hadlang para makabuo ng isang magandang relasyon.

Kasama rin dito ang limang dalagang kumakatawan sa mga iba’t ibang mga katangian ng Pilipina, composed of Kapatid star Helga Krapf, Miss Earth 2013 Alma Cabasal, popular indie actress Althea Vega, former noontime dancer April “Congratulations” Gustilo, at ang controversial personality na si Kat Ordoñez.

Juan Experiment ng Juan Direction airs before the PBA games.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING