Mona at Lisa, maghaharap na sa Sana Dalawa Ang Puso

ADVERTISING

Mona at Lisa, maghaharap na sa Sana Dalawa Ang Puso

Mona at Lisa, maghaharap na sa Sana Dalawa Ang Puso
Jodi Sta. Maria in ‘Sana Dalawa ang Puso’

MATUTUNGHAYAN NA ng mga manonood ang pinaka-aabangang pagkikita ng magkamukhang sina Mona at Lisa, na parehong ginagampanan ni Jodi Sta. Maria, sa morning serye ng ABS-CBN na “Sana Dalawa ang Puso.”

Exciting ang kanilang magiging pagkikita dahil kapwa sila magugulat na sila’y magkamukha.

Total opposite ang dalawang karakter ni Jodi sa Sana Dalawa Ang Puso. Sosyal si Lisa, rich at nagpapatakbo ng isang business. Si Mona naman ay poor girl lang pero madiskarte naman sa buhay. Love niyang mag-alaga ng panabong na manok.

Meanwhile, sa paghahanap ng solusyon ni Lisa para atrasan ang kasunduang kasal nila ni Martin (Richard Yap), nakipagkita siya kay Donnie Pamintuan (Victor Silayan), isa ring negosyante na makakatulong sa kanilang kompanya.

ADVERTISING

Hindi naman niya inasahang na sa pag-alis niya sa nasabing club ay bigla na lang bubulaga ang hilong-hilong si Mona na tinatakasan naman si Mr. Chua, ang boss ng pinagkaka-utangan niyang si Mr. Supapi (Leo Martinez).

Napapanood ang Sana Dalawa ang Puso bago ang It’s Showtime sa ABS-CBN.

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING