Mon Tulfo, itinaas ang kasong Physical Injuries sa Attempted Homicide
Raymart Santiago, tinangkang agawin ang baril ng security guard?!

ADVERTISING

<b>Mon Tulfo, itinaas ang kasong Physical Injuries sa Attempted Homicide</b><br>   Raymart Santiago, tinangkang agawin ang baril ng security guard?!

<b>Mon Tulfo, itinaas ang kasong Physical Injuries sa Attempted Homicide</b><br>   Raymart Santiago, tinangkang agawin ang baril ng security guard?!NAGKAHARAP NA pala sa piskalya ng Pasay City, sa tanggapan ni Asst. City Prosecutor Orlando Mariano sina Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Doon sila uli nagharap pagkatapos ng gulong nangyari sa NAIA 3 nu’ng nakaraang buwan. Siyempre maingat na sila sa mga sinasabi nila dahil nagkasuhan na.

Pero ang kasong Physical Injuries ay pinataas na ng abogado ni Tulfo sa Attempted Homicide. Meron silang inilabas na witness na nagsabing gustong kunin ni Raymart ang baril ng isang security guard na maaring gamitin ‘yun sa pagbaril kay Mon. Nakita naman daw sa video kung paano pinagtulungan si Mon na talagang gusto siyang patayin.

Nag-react dito ang kampo nina Claudine. Siyempre kasi, paiba-iba naman daw ng pahayag si Mon pagkatapos ng gulong ‘yun.

ADVERTISING

Anyway, tuluy-tuloy na ang kaso dahil meron ding sagot na kaso ang mag-asawang Raymart at Claudine. Hindi pa naman ito naiakyat sa korte kaya maghihintay pa kung ano ang magiging resolution dito sa mga kasong isinampa.

Tuloy na ang kani-kanilang trabaho, pero natatakot pa rin daw ang mag-asawang Raymart at Claudine sa mga pananakot sa kanila ng Tulfo brothers, kaya ang dinig ko, meron pa ring nakabantay sa kanila na security.

Meron naman yata silang Temporary Protection Order, kaya safe naman sila siguro.

 

TULUY-TULOY ANG mga auditions ngayon sa mga talent reality search dahil halos magkasabay na magsisimula ang Protégé ng GMA-7 at ang Artista Academy ng TV5.

Nauna nang nagpa-audition ang Protégé dahil naikot na nila halos ang iba’t ibang probinsya ng bansa.

Ang Artista Academy naman, meron sila nu’ng kamakalawa lang na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Ang ABS-CBN 2 naman ay malapit nang magsimula ang X Factor nila kaya maraming chances ang mga kabataang may ambisyong sumikat sa pag-aartista.

Basta kung may talent ka, marami ka nang pagkakataong mapansin at makilala.

Ang labanan na lang dito ay patalbugan ng premyo dahil milyun-milyon na ang nakataya rito.

Pero ang tanong lang dito, sino ang tatagal at kung sino ang mame-maintain ng network na sumikat.

Ang totoong labanan talaga diyan ay pagkatapos ng search, kung sino talaga ang mapasisikat ng network pagkatapos itong manalo. Kaya matagal pa ‘yan at doon magkakaalaman kung sino ang mapasisikat ng mga talent search na ito.

Nu’ng Linggo ay ipinakilala na sa Game ‘N Go na ang maghu-host ng Artista Academy ng TV5 ay sina Cesar Montano at Marvin Agustin. Matindi ang pag-hahanda rito ng TV5.

Sa GMA-7 naman ay sina Dingdong Dantes at Carla Abellana ang hosts, kasama sina Jennylyn Mercado at Maxene Magalona.

Meron pa silang mga bigating artista na tatayong mentors gaya nina Phillip Salvador, Jolina Magda-ngal, Gina Alajar, Roderick Paulate at Ricky Davao.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING