Mon Confiado, made in the USA ang bagong pelikula

ADVERTISING

Mon Confiado, made in the USA ang bagong pelikula

Mon Confiado and her American leading lady in Stateside
Mon Confiado and her American leading lady in Stateside

 Balik sa pagiging bida ang versatile actor na si Mon Confiado. Ito’y via the movie “Stateside” na ang malaking bahagi ay kinunan sa Amerika at partly sa Pilipinas.

“Ang ‘Stateside’ ay kuwento ng Pinoy sa Amerika. Iyong stateside sa Filipino context, it means made in USA. At karamihan sa mga Pilipino ay bilib sa made in USA at karamihan, gustong makapunta sa Amerika.

“Ito ay kuwento ni Andrew na siyang papel ko rito, na pumunta sa Amerika at nakipagsapalaran para makaipon ng pera para sa pag-aaral ng nakababatang kapatid. Sa pagpunta sa Amerika, sari-saring pagsubok, hirap, at pasakit ang mararanasan niya. Kaya makikita niya ang tunay na lupit ng Amerika! Hanggang siya ay maging TNT at homeless,” kuwento ni Mon.

Dagdag pa niya, “Ito ay shinoot sa Hollywood, Los Angeles, Carson, Eagle Rock, Glendale, Palos Verdes, etcetera, sa California, USA, at sa Laguna at Recto sa Pilipinas. Ito’y sa direksiyon ng Fil-Am director na si Marcial Chavez at produced ng Fil-Am na si Francis Fabiculanan.

ADVERTISING

“Kasama sa pelikula ang mga Hollywood actors na sina Olivia Hultgren, Ryan Walker, Craig Cooper, Jose Rosete, Shaw Jones, Scott Engrotti, Marcus Natividad, Abe Pagtama, Aleeto Lee, Kodi Saint Angelo, Jerry Marr at mga Pinoy actors na sina Tim Mabalot, Leon Miguel, at iba pa.

“Magkakaroon kami ng screenings sa US at sa Pilipinas at isa-submit din sa mga international film festivals ang ‘Stateside’.”

Ano ang masasabi mo sa leading lady mo rito sa Stateside? “Magaling ang leading lady ko rito at very professional.”

Papuri rin ang ibinigay ni Mon sa kanilang director at producer. “Sobrang pasasalamat ko sa director at producers, napakagandang opportunity nito para makapasok sa Hollywood kahit na Pinoy ang theme ng pelikula. Nakatutuwang kuwentong Pilipino pa rin ang inihahain namin dito, pero 95% ng pelikula’y shinoot sa Amerika.

“Bilib na bilib ako sa director dahil halos siya lahat ang gumagawa sa Amerika. Siya ang director, camera, prod. designer, prod. manager, location manager… kapareho din ng producer, sila lahat ang nag-aasikaso, although may Hollywood crew kami. Mahal kasi ang labor ng Amerikano at per oras, eight hours lang dapat, pack-up na, kaya bilib ako sa director ko at producer.”

Si Mon ang gumanap na Emilio Aguinaldo sa successful na pelikulang “Heneral Luna” ni Direk Jerrold Tarog na pinagbidahan ni John Arcilla.

Ang ilan naman sa pelikulang nagbida si Mon ay sa “Pilantik”, “In Darkness We Live” ni Direk Christopher Ad Castillo, “Gemini” ni Direk Ato Bautista, at “El Peste Romansa” ni Direk Richard Somes.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING