Mommy ni Sarah Lahbati, pinagmukhang patay-gutom?

ADVERTISING

Mommy ni Sarah Lahbati, pinagmukhang patay-gutom?

Sarah-LahbatiNAKALULUNGKOT ‘YUNG nangyaring pagpo-post sa Instagram account ng Mommy ni Sarah Lahbati tungkol sa kanyang hinampo sa nangyari sa binyag ng kanyang apo na siyempre’y anak nina Sarah at Richard Gutierrez na si Zion. Na diumano, naawa siya sa kanyang sarili, dahil pinagmukha raw siyang patay-gutom nu’ng pagkatapos ng party ay may nagsabi sa kanya na magbalot siya ng mga tirang pagkain at dalhin pag-uwi sa house nila.

Naku, baka talagang mayroon lang hindi pagkakaintindihan. Walang binanggit na pangalan, pero nagsalita si Richard na ganu’n daw ang kanyang Mommy Annabelle Rama, na kapag may mga lumabis na pagkain ay ipinapabalot at ayaw na nasasayang. Sa totoo lang din, kahit si Tita Annabelle ay palengkera na kung anu-anong lumalabas na salita sa bibig, isa siyang personalidad na nakaaaliw kapag mayroon siyang puwedeng ipamigay.

Maraming mga kasamahan natin sa panulat ang natutuwa kay Tita Annabelle, na kapag marami siyang dalang pagkain ay babanat na lang siya ng salitang: “Hoy, mga bakla, magsikain kayo!” Minsan namang magkaroon siya ng party sa Imperial Palace ni Mother Lily, ipinagmamalaki ni Tita Annabelle na masarap daw ang mga binibili niyang lechong baboy.  Maraming dumating na lechon, at nang matapos ang party ay nagsalita siya ng: “Hoy, maraming natirang lechon, mag-uwi kayo!” Walang pakialam, hinayaan ni Tita Annabelle na i-take home ng kanyang mga bisita ang mga lechon. Taklesa lang talaga ang Mommy ni Ruffa Gutierrez, pero mapagbigay siya kapag meron siyang puwedeng ipamigay.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING