Mommy ni Sarah Geronimo, segurista kay Matteo Guidicelli

ADVERTISING

Mommy ni Sarah Geronimo, segurista kay Matteo Guidicelli

Sarah-GeronimoKAHIT LAGING ginagawang kontrabida ng marami si Mommy Divine Geronimo sa lovelife ng kanyang anak na si Sarah Geronimo, lagi pa rin namang napapatunayan ng kanyang pagbakod sa mga nakarerelasyon ng singer-actress, na talagang walang magulang na naghahangad ng masama para sa kanyang mga anak.

Deadma lang ulit ngayon si Mommy D. sa mga intrigang parang kakaiba ang pagtingin niya kay Matteo Guidicelli kumpara sa ibang mga nakarelasyon ni SG.

Baka raw kasi kumpara kay Matteo, hindi ganu’n kayaman ang kabuhayan ng mga naunang na-link kay Sarah na sina Rayver Cruz at Gerald Anderson, kaya ngayon ay okey ang sitwasyon. Pero ang isang maganda kasi sa sitwasyon ngayon, matapang na si SG na maglabas ng kanyang damdamin tungkol sa kanyang nararamdaman. Nasa tamang edad na kasi talaga siya para gumawa ng desisyon tungkol sa kanyang sarili.

Kahit naman sabihing mayaman ang pamilya nina Matteo, hindi naman dapat gawing isyu na nagiging segurista si Mommy Divine, kaya tahimik lang siya ngayon tungkol sa lovelife ng kanyang anak.

ADVERTISING

Hindi rin naman puwedeng ismolin si Sarah, dahil kung mayaman sina Matteo, milyonarya na rin ang singer-actress. Dahil sa kanyang kasipagan sa itinagal ng kanyang popularity at madisiplina siya sa perang kinikita, kaya milyun-milyon na talaga ang naiipon niya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING