Mommy ni Sarah Geronimo, mas boto kay Gerald Anderson dahil may pera?!

SA NAKARAANG presscon ni Sarah G. para sa bago niyang uumpisahang show sa Kapamilya Network, ang Sarah G Live!, maraming issues ang buong pusong sinagot ng Pop Princess tungkol sa kanyang career, pamilya at lovelife.

Kay Sarah na nanggaling na isang mas open na Sarah na ang makakausap namin. Inumpisahan namin ‘yun sa pagtatanong kung ano ang reaksyon niya sa kumakalat na balitang nag-conive daw ang magkaibigan na Vice Ganda at Kris Aquino na hindi siya ma-guest sa mga shows nito tulad ng GGV at Kris TV, dahil daw may sama ng loob sa kanya si Vice nang hindi mapagbigyan ang request nito na mag-guest siya sa nakaraang concert nito sa Araneta. Bilang simpatiya raw sa kaibigan, pati raw si Kris ay naging matigas na rin na ‘di siya puwedeng mag-guest sa Kris TV. 

Ayon kay Sarah, gustuhin man niyang mag-guest sa concert ni Vice, ‘di talaga puwede dahil may show siya sa ibang bansa. ‘Di rin siya naniniwala sa lumabas na isyu dahil para sa singer/actress, ‘di siya naniniwalang makikitid ang isip ng dalawa at bilang patunay nga na wala silang problema ng komedyante ay magge-guest siya sa GGV sa last episode nito sa Linggo. By next Sunday, February 26, sisimulan naman ang Sarah G. pagkatapos ng Rated K.  

Tinanong din namin ang tungkol kay Gerald Anderson na balitang nagpapasaya ngayon kay Sarah. ‘Di man diretsahang aminin, kitang-kita naman na espesyal sa Pop Princess ang young actor. ‘Di pa rin niya isinusuot hanggang sa ngayon ang tiffany necklace na ibinigay sa kanya ni Gerald nu’ng nakaraang Pasko. Inamin naman sa amin ni Sarah na concerned siya sa sasabihin ng ibang tao pero nandu’n din ‘yung pag-aalala kung ano naman ang nararamdaman ng aktor na hindi nito nakikita na suot ang ibinigay niya. Sa nakikita namin, ‘pag nakita natin na suot na ni Sarah ang nasabing kuwintas, maaaring sa panahong ito ay pormal na ang relasyon nila ni Gerald. May pinag-iisipan na ring iregalo sa aktor para naman sa darating na birthday nito sa March 7, nang tanungin kung ano ba ito ay ayaw pang i-reveal ng actress/singer, basta isa itong bagay na gusto niyang maging masaya si Gerald.

Pinag-usapan din ang bali-balita na kaya raw mas boto ang pamilya niya sa aktor, partikular na raw si Mommy Divine ay dahil mas may career, mas may pera raw si Gerald kaysa sa ex-boyfriend na si Rayver Cruz, ‘di itinago ni Sarah na nalulungkot siya na ganito ang persepsyon ng ibang tao sa magulang. Tanggap naman na hindi niya kontrolado ang iisipin ng ibang tao kung ‘yun ang iniisip ng iba at naa-appreciate naman ni Sarah ang mga taong nakakaintindi na pinoprotektahan lang siya ng magulang niya. Na ayaw lang ng mga magulang niya na dumaan siya sa maraming relasyon at ‘pag dumating ang tamang panahon ay maibibigay niya nang buong-buo ang sarili sa taong pakakasalan niya.

Sa tanong naman namin kundi ba dumating sa puntong nagrebelde siya sa mga magulang, ipinaliwanag sa amin ni Sarah na naiintindihan at sobra niyang pinahahalagahan ang pagmamahal at pagpoprotekta sa kanya ng mga magulang, pero darating ang puntong kailangan din niyang magdesisyon para sa kanyang sarili pero hindi para sawayin o saktan ang mga magulang.

SA PRESSCON ni David Archuleta para sa bago niyang album entitled David Archuleta… Forever More under Ivory Music and Video Inc. Records, kung saan puro Filipino songs ang kasama tulad ng Forever More, You Are My Song, I’ll Never Go, Reaching Out, Rainbow, Tell Me, Hold On, You Are My Song. Hinahangaan ang mga Filipino artists tulad nina Lea Salonga at Regine Velasquez, enjoy na enjoy si David nang mapanood ang nakaraang Valentine’s concert ng mag-asawang Regine at Ogie Alcasid.

Tinanong din namin kung wala ba siyang takot na nararamdaman na sa dalawang taong pagtalikod niya sa music industry para magpokus sa relihiyon niya ay baka mahirapan na siyang makabalik at ‘di na maging ganu’n kainit ang suporta sa kanya ng mga tagahanga, inamin naman ni David na nandu’n ang takot pero naniniwala siya na mangyayari ang lahat ayon sa kagustuhan ng Diyos.

Magsisimula na rin ang intial telecast ng kauna-unahang mini-serye ni David, ang Nandito Ako sa TV5.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleLuis Manzano at Jennylyn Mercado, linggo-linggong magkasama sa Batangas!
Next articleAngel Locsin, walang arte sa lovemaking!

No posts to display