Mommy ni Piolo Pascual, na-trauma sa pagkaka-snatch ng bag

ADVERTISING

Mommy ni Piolo Pascual, na-trauma sa pagkaka-snatch ng bag

Piolo-PascualAYON KAY Piolo Pascual, mahirap nang talunin ang mahigit na P400 million na kinita ng Starting Over Again movie nila ni Toni Gonzaga under Star Cinema. Kung masusundan pa raw ito ay kailangan daw ng masinsinang pag-iisip, paghandaan ang magiging istorya ng pelikula para magkaroon uli ito ng kakaibang magic sa takilya.

Pero alam ba ninyo na na-snatch ang bag ng mommy ni Piolo sa araw mismo nang ginanap ang premiere night ng pelikula?

Ayon sa nagtsika sa amin, pababa na raw ng escalator ang mommy ni Piolo sa nasabing mall na pinagdausan ng premiere night ay sinabayan daw ng isang lalaki ito at sabay hinablot ang bag. May laman daw na P40,000 ang bag na binigay ni Piolo dahil may pinababayaran daw ang actor sa ina.

Gabi na kasi nang matapos ang premiere night kaya wala nang tao at patay na rin ang mga camera sa mall dahil sarado na ang mga store sa dinaanan ng mommy ni Piolo nang bumababa na ito sa escalator ng nasabing mall.

ADVERTISING

Bale-wala ang nahablot na bag naglalaman ng fourty thousand pesos sa laki ng kinita ng pelikula ni Piolo. May malaking bonus namang natanggap ang lead star ng nasabing movie.

Ang hindi lang puwedeng bayaran sa nangyari sa mommy ni Piolo, ang trauma na dinanas nito sa kamay ng magnanakaw na nangyari pa mismo sa mall na pinagdausan ng premiere night.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING