Mommy ni Kathryn Bernardo, imbiyerna sa pagkukukumpara kay Nadine Lustre at sa anak

ADVERTISING

Mommy ni Kathryn Bernardo, imbiyerna sa pagkukukumpara kay Nadine Lustre at sa anak

Nadine-Lustre-Kathryn-BernardoTILA ANG  madir ni Kathryn Bernardo ang sinasabing naaapektuhan sa comparison sa kanyang anak na dalaga at kay Nadine Lustre. Ang feeling namin ay ang Mommy Min ni Kathryn ang sinasabing stage mother na tinutukoy sa isang blind item na lumabas sa isang very popular website na super imbiyerna sa tuwing inihahambing ang kanyang anak sa isang papasikat na aktres.

ADVERTISING

Obvious na obvious sa blind item na si Mommy Min ang tinutukoy dahil sino nga lang naman ba ang magkahawig na aktres kundi sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo, ‘di ba?

Ang chikang lumabas, hindi nagugustuhan ng madir ang comparison palagi between her daughter and the female newbie. At one point pa nga raw, nakiusap pa raw itong madir sa talk show host na ‘wag nang pag-usapan ang pagkakahawig ng anak niya sa isang aspiring actress dahil hindi naman daw talaga sila magkamukha. Say ng madir, ang mas kamukha raw ng baguhang aktres ay ang isang half-Pinay-American na nagwagi sa isang pakontes sa US.

Any comment Mommy Min or Kathryn?

ADVERTISING

 

NAKAKALOKA ITONG si Mariah Carey. Nagkalat kasi siya sa kanyang The Elusive Chanteuse Show sa Tokyo, Japan recently. Nakita namin sa isang Facebook fan page ang video ng concert na ‘yon ni Mariah at talagang hindi kami makapaniwala na hindi niya naabot ang high notes ng kanyang mga kantang Always Be My Baby, My All at Hero. Hirap na hirap siyang itawid ang mga kanta, kulang na lang ay pumiyok talaga siya.

Hindi namin alam kung merong problema sa sound system, pero narinig na lang namin si Mariah na nagsasabing hindi niya carry ang mag-concert ng ganoon ang sound system. Parang imbiyerna siya sa palpak na sound na nagmumula sa kanyang microphone.

Obvious na obvious na hindi na-carry ni Mariah ang mga kanta niya. Marami siguro ang naloka sa kanyang performance.

Teka, hindi ba’t merong gaganaping concert sa bansa si Mariah? Naku, she better be on her best vocal condition dahil alam mo naman ang mga Pinoy, masyadong mapanglait sa mga performer.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING