Mommy ni Kathryn Bernardo, hina-hunting ang nagpakalat ng pekeng nude photos ng dalaga

Mommy ni Kathryn Bernardo, hina-hunting ang nagpakalat ng pekeng nude photos ng dalaga

Kathryn-BernardoHINA-HUNTING DAW ng mommy ni Kathryn Bernardo ang nag-edit at nagpakalat ng pekeng hubad na larawan ng dalaga.
Hindi raw natutuwa ang mabait at ma-PR na mother ng Teen Queen sa ginawang pagpapakalat ng pekeng larawan ng kanyang anak . Kaya naman daw dapat managot ang taong nasa likod nito.
At kahit nga naraming naniniwalang hindi tunay at peke lang ang nasabing litrato, hindi pa rin daw maganda para kay Kathryn ang pagkalat ng gano’ng litrato na tinaon pa sa pagpapalabas ng kanyang bagong teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na nangunguna sa primetime.
Karma-karma na lang daw sa taong gumawa nito sa kanyang anak na si Kathryn. Umaasa pa rin daw sila na malalaman nila kung sino ang nagpasimuno ng pagkakat nito.

John’s Point
by John Fontanilla