Mommy ni Kathryn Bernardo, ayaw nang patulan ang bashers nilang mag-ina

Mommy  ni Kathryn Bernardo, ayaw nang patulan ang bashers nilang mag-ina

Kathryn Bernardo & Mommy Min Bernardo
Kathryn Bernardo & Mommy Min Bernardo

Ayaw na lang daw patulan at deadma na lang si Tita Min Bernardo, ang very supportive mom ng Teen Queen na si Kathryn  Bernardo, sa mga namba-bash sa kanya at sa kanyang anak.
Nu’ng una raw, affected si Tita Min sa mga pamba-bash na ginagawa sa kanila.

“Natural nanay ka. Kapag may namba-bash kay Kathryn at nababasa ko, ako ‘yung unang nasasaktan,” sabi ni Tita Min.
“Kaya mas maganda na ako na lang ang magbasa kaysa siya. Pero natutunan ko na rin na ideadma ‘yung mga basher. Kasi ‘yun lang naman talaga ang ginagawa nila, ang mam-bash na lang nang mam-bash,” dagdag pa ng butihing ina ni Kathryn Bernardo.
Ngayon nga raw, hindi na pinapansin ni Tita Min ang mga basher. Naniniwala kasi siya na kapag hindi ka gusto ng isang tao, gagawa at gagawa ito ng paraan para i-bash ka. Kaya deadma na lang siya sa mga ito.

John’s Point
by John Fontanilla