Mommy ng sikat na aktres, putol-putol na bareta ng sabon ang gibsung sa mga inivited press sa haybols

ADVERTISING

BLIND ITEM: Tadtad ng mga larawan sa Facebook ang bonding kamakailan ng ilang piling reporter kasama ang ina ng isang sikat na aktres, sa silid pa mismo ng showbiz mom nag-picture-picture ang kanyang mga bisita, about five of them.

Makahulugan ang ipinost ng isa sa kanila with reference to the word “champion”. Nasakyan namin agad what it meant bukod sa champion nga namang masasabi ang walang-kupas na pakikitungo ng showbiz mom sa mga itinatangi niyang repoter-friends, who last set foot on her residence noong dalaga pa ang kanyang anak.

ADVERTISING

True enough, each of the five reporters went home with a pack containing consumer products, na okey-okey na sana kung ang mga ‘yon ay ineendorso ng kanyang anak. Such loot bags—na naglalaman ng mga putul-putol na produkto like a dismembered dead body—ay courtesy pa ng kanyang manugang na nag-eendorso nito!

Isa sa mga reporter ang humirit na kung maaari’y penge pa raw ng isang loot bag, pero tinabla siya ni madir. Baka raw kasi magsunuran ang apat pang reporter, eh, mauubusan na siya ng stock!

How very ironic. Tunog-Pasko pa mandin ang pangalan ng showbiz mom (who, in fairness, ay may pabaon naman daw homemade cookies), pero mga “bumubulang” aguinaldo ang inilaan niya sa pinili pa mandin niyang inimbitahan sa kanyang haybols.

ADVERTISING

Da who si madir? Itago na lang natin siya sa alyas na Caroline de los Santos.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING