Mommy Guwapa ni Isabel Granada, gabi-gabi pa rin umiiyak dahil sa pagpanaw ng anak

ADVERTISING

Mommy Guwapa ni Isabel Granada, gabi-gabi pa rin umiiyak dahil sa pagpanaw ng anak

Mommy Guwapa ni Isabel Granada, gabi-gabi pa rin umiiyak dahil sa pagpanaw ng anak
Isabel Castro a.k.a. Mommy Guwapa (mom of Isabel Granada)

GABI-GABI ay umiiyak pa rin si Isabel Castro na mas kilala sa showbiz as Mommy Guwapa na ina ng ng aktres na si Isabel Granada.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasanay si Mommy Guwapa na nagiisa na lang siya sa buhay at wala na si Issa na namaalam na.

Sa bahay niya sa Binangonan, Rizal, gabi-gabi ay inaaliw ni Mommy Guwapa ang sarili para makalimutan saglit ang kanyang unica hija na kasa-kasama niya sa buhay noong buhay pa ito.

Ang anak ni Issa na si Hubert sa dating mister na si Jericho Aguas ay based sa Pampanga kung saan doon nag-aaral ang 16 years old na binatilyo sa OB Montessori- Angeles City kung saan alumnus naman ang ina nito sa OB Montessori sa Greenhills. noon.

ADVERTISING

“Pagka-graduate niya sa Spain siya mag-aaral ng architecture,” yun ang kuwento sa amin ni Mommy Guwapo sa birthday party ng kaibigang Rommel Placente na isa sa mga pinakamalapit na showbiz personality sa reporter.

Mabuti na lang, busy si Mommy Guwapa sa kanyang responsibilities at gawa as president ng homeowner’s association ng subdivision na tinitirahan niya para sa umaga ay may pinagkakaabalahan siya.

“Since Issa left us, malungkot ako. I have never recovered,” kuwento ng ina ng aktres.

“I admit – I always cry gabi-gabi. Hinahanap ko pa rin si Issa,” dagdag pa ng ina.

Mommy Guwapa ni Isabel Granada, gabi-gabi pa rin umiiyak dahil sa pagpanaw ng anak
Isabel Granada and son Hubert

Solo sa buhay si Mommy Guwapa nang mamatay ang nag-iisang anak. “Lahat ng relatives ko nasa Spain,” kuwento ni Mommy Guwapa sa kanyang English-filipino na lenguwahe with her trademark “Spanish” accent.

Ang rason kung bakit napadpad si Mommy sa Pilipinas ay dahil napangasawa niya ang ama ni Issa na isang pure Pinoy na nakilala niya sa Spain.

“Akala ko mababakasyon lang kami dito sa Pilipinas para ipakilala niya ako sa parents niya pero nagustuhan ko kaya we decided to live here,” pagbabalik tanaw pa ni Mommy Guwapa.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING