Mommy Dionisia Pacquiao, ‘di papayag na magpalit ng relihiyon si Manny Pacquiao!

ADVERTISING

Mommy Dionisia Pacquiao, ‘di papayag na magpalit ng relihiyon si Manny Pacquiao!

Mommy Dionisia Pacquiao, ‘di papayag na magpalit ng relihiyon si Manny Pacquiao!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Pak! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly! Nakakaloka talaga ang mga eksenang chikka today. Hahaha! Hindi pa ako nagchi-chikka, natatawa na talaga ako.

Kasi, nawindang ako sa kumakalat na chikka last week, na si Mommy Dionesia ay nakulam daw! Ano raw?! Hahaha! Uso pa ba ‘yun? At bakit naman siya makukulam, may kaaway ba siya o may naiinggit sa kanya?

Ang balita nga raw, lumaki ang tiyan niya at ang paa niya, lumaki rin daw o namaga lang yata… hahaha! Bakit naman mamamaga? May nakapag-chikka sa akin na kaya raw namaga ay dahil nagparetoke raw itong si Mommy Dionesia. At take note, hindi si Vicki Belo ang nagretoke, at kakabugin daw ni Mommy D ang dace value ni Jinkee Pacquiao. Nakakaloka naman talaga sa Earth, ‘di ba?

ADVERTISING

Ano kaya ang magi-ging eksena ni Mommy D, kung sakaling totoo ang chikka? Naku, excited na kong ma-sight kung true ang chikka! Winner na winner talaga, ‘te!

 

‘ETO NAMAN… speaking of Mommy D, nakakaloka naman talaga sa Earth dahil hindi daw papayag si Mommy D sa binabalak gawin ni Manny na magpalit ng relihiyon. Sarado Katoliko raw sila at puwede naman daw baguhin ni Manny ang buhay na mawala ang mga bisyong alak, sugal at babae nang hindi nagpapalit ng relihiyon, ‘di ba?

Pabor ako sa ‘yo Mommy D. Tama ang chikka mo. ‘Yun na!

 

ANOTHER CHIKKA na naman… akala ko ba ay hindi na makikialam itong si Kris Aquino sa kaeksenahan ni P-Noy. Pero ‘eto’t gustong maka-face to face ni Kris si Grace Lee. Nakausap na raw ni Grace ang tatlong kapatid na babae ni Kris, at ok naman sa kanila ang bagong ispiration ni P-Noy. Go! Go! Hahaha!

Kalurki! Akala ko ba, hindi na makikialam si Kris sa love affair ni P-Noy. Annulled na rin ang kasal nila ni James Yap, at handa na raw siyang makipag-laplapan kay Robin Padilla. Huwaaat?! Iyon ay sa nalalapit  nilang teleserye.

Naku, ano kaya talaga ang mase-say ni Mariel Rodriguez d’yan? Baka naman todo-bantay siya sa taping? Pero malay mo, may tiwala naman si Mariel.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING