Mommy Dionisia, nakikipag-live in sa boyfriend

ADVERTISING

Mommy Dionisia, nakikipag-live in sa boyfriend

Dionisia-PacquiaoEWAN KO kung seryosohin n’yo naman itong lovelife ni Mommy Dionisia.

Abangan n’yo bukas sa Startalk ang exclusive interview kay Mommy Dionisia at ng boyfriend niyang si Michael.

Nakalimutan ko ang apelyido, pero nakilala na rin itong boyfriend ni Mommy Dionesia dahil nakikita sila sa TV.

Nagli-live in na pala ang dalawa at ang nakakaloka, sinabi nila sa interview na hindi pa raw nila pinag-uusapan ang kasal.

ADVERTISING

O, ‘di ba? Talagang may balak pa si Mommy D na magpakasal, ha?

Bongga talaga ang mommy ni Manny Pacquiao, at ayaw talagang paawat sa pag-agaw ng eksena sa anak niya.

Ang sabi nitong Michael, nakausap na raw niya ang mga anak ni Mommy Dionisia bukod lang kay Manny.

Naghahanap lang daw siya ng tamang tiyempo para kausapin ito. Gusto naman daw niyang iparating na tapat ang hangarin niya kay Mommy Dionisia.

Hindi na lang daw nila pinapansin ang mga bumabatikos sa kanila, basta masaya raw silang dalawa, ‘yun ang importante.

Sa ngayon, hinihintay raw niyang sasakay siya sa barko, kasi seaman ‘yan. Habang naghihintay daw sa pagsakay niya sa barko, magkasama raw sila ni Mommy D sa bahay nito at ang libangan lang daw nila ay magkantahan. O, ‘di ba?

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang interview namin sa magdyowang ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING