Mommy Dionesia, deadma sa namatay na staff ng movie niya – Tita Swarding

ADVERTISING

Mommy Dionesia, deadma sa namatay na staff ng movie niya – Tita Swarding

HINDI NA NGA maawat ang ina ng Pambansang Kamao sa pagka-primadonna umano nito. Lalo na at halos parati natin itong napapanood sa telebisyon at lalo na rin ang kanyang komersyal na minu-minuto ay pinalalabas,huh!

ADVERTISING

Nag-iinarte na nga raw itong si Nanay Dionesia at masyodo na raw itong primadonna,huh! Kahit saan raw ito magpunta ay sangkaterba ang kasama nito at take note, halos dala-dala raw nito ang buong bahay. May taga-bitbit ng damit,sapatosat may sarili pang alalay bukod pa sa bodyguard. Susmaryosep! Bida na nakakawindang! Ang nakakaloka ay ang pag-iinarte nito. Ni hindi raw ito nakitang nakiramay sa isa sa mga staff ng Star Cinema na namatay sa paglubog ng Super Ferry 9. Kung hindi raw dahil sa pag-iinarte niya at hindi niya pinapapunta ang buong staff at mga artista gaya nina Erap at Ai-Ai, sana hindi raw nangyari ang pagkasawi ng isang staff nila. Hanggang ngayon daw ay wala raw itong pakikiramay. Kalerke, ha! Nag-iinarte raw ito na hindi siya luluwas hanggang hindi pa tapos ang laban ng anak dahil ito raw ang panata. Ano raw? Nalerke ako bigla. Abangan na lang kung gaano ito ka-true! ‘Yun na!

NAKASAMA NGA ANG inyong lingkod sa bagong pelikulang gagawin ni Vic Soto para sa Metro Manila Film Festival. Hindi lang itong pelikula na ‘to kami nagkasama ni Vic dahil noong nakaraang taon, sa Metro Manila Film Festival rin ay nagkasama na rin kami. Kaya happy ang beauty ko ngayon.Ha! Ha! Ha! At mismong si Direk Tony Reyes pa ang tumawag sa beauty ng lola niyo upang isama sa pelikulang ito na may pamagat na Ang Nobya Kong Aswang. Hmmm…. At bonga ang papel ko at hindi asawang, ‘noh! Basta, abangan n’yo na lang at saka ko na sasabihin ‘pag tapos na ang shooting. Bongga, ‘di ba? Pero ang balita ko ay makakasama ni Bossing Vic ang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes. Naku, Pia Guanio, ano ang say mo? ‘Yun na!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Yaman ng pulitiko, ipinangalan sa sikat na aktres

ADVERTISING

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING