Mojack, ‘di makapaniwala sa sinapit ni Blakdyak

ADVERTISING

Mojack, ‘di makapaniwala sa sinapit ni Blakdyak

Mojack and Blakdyak
Mojack and Blakdyak

 Hindi makapaniwala ang singer/comedian na si Mojack sa nangyari sa matalik niyang kaibigang si Blakdyak. Ang naturang komedyante ay natagpuang patay kamakailan sa inuupahang apartment sa Sampaloc, Manila. Isa si Mojack sa huling nakausap ni Blakdyak bago ito namatay. 

Ayon kay Mojack, nagulat siya sa nangyari kay Blakdyak, na bukod sa pagiging kaibigan at ini-impersonate niya, malaki rin ang naitulong sa kanya sa showbiz. 

“Nang makita ko ang post ng isa kong friend na reporter ng ABS-CBN na si Hajji, na – Blakdyak natagpuang wala nang buhay sa kuwarto – napasigaw ako sa sinasakyan ko at kinumpirma nga sa akin iyon. Umiyak na ako, kasi katatawag lang niya (Blakdyak) tapos ganoon mangyayari. Eh kapatid ang turingan namin. Hanggang sa nag-chat na ‘yung friend kong reporter at nalaman ko na totoo ang balita. Kaya hayun, nag-start na siya ng interview sa akin na ‘di ko alam ‘yung conversation namin, maririnig ng kaklase ko from Australia – na narinig nila ang name ko sa DZMM,” saad ni Mojack. 

Dagdag pa niya, “Way back 2003 nang mag-apply ako as extra sa Viva at sabi nila may pagka-Blakdyak daw ako. Dinala nila ako ng staff ng Viva sa shooting ng ‘Weyt A Minit Kapeng Mainit’ na nandoon si Kuya Joey (Blakdyak). Nang nakita niya ako, nilapitan niya ako at nagpakilala siya. Kaya nang nagkapalagayan na kami ng loob, ipinakilala niya ako kay Direk Ben Feleo na direktor ng movie at ang sabi naman, ‘bibigyan kita ng role as priest’. Natuwa naman ako, kasi first time kong lalabas sa big screen.” 

ADVERTISING

Kuwento pa sa amin ni Mojack, “Noong tumawag si Kuya Joey sa akin ng November 16 ng gabi via msgr, malungkot ang boses niya. Ang sabi niya lang sa akin, ‘Bro bigyan mo kami number mo ng ate mo (Twinkle).’ Sagot ko kay Kuya, ‘Di mo talaga mari-reach ang number ko pero ‘di ako nagpalit, nandito kasi ako sa Japan.’ Sabi pa niya, ‘Usap kayo ng Ate Twinkle mo, kailangan ka namin.’ Sagot ko, ‘Wala po talaga ako dyan kuya sa ‘Pinas, dito ako Japan.’ 

“Si Kuya Joey, talagang mabait iyan, ‘di ka niya dadalhin sa masama at ipagtatanggol ka niya sa lahat. Tatawa lang siya ‘pag may naririnig, pero masama ‘pag nagalit. Blakdyak and me po ay talagang turingan namin is magkapatid, kasi halos kung ano ang mayroon siya, sini-share niya sa akin at kung ano ang mayroon ako ay i-share ko rin sa kanya – specially sa mga personal things namin. 

“Gustung-gusto kong umuwi ng ‘Pinas ngayon, pero alam ko maiintindihan iyon ni Kuya, dahil pareho kaming nasa industriya na the show must go on, para ‘di masira sa mga napangakuang trabaho,” malungkot na saad pa ni Mojack. 

Nasa Japan ngayon si Mojack at nagbibigay ng saya sa mga show na karamihan ay mga OFW ang audience. Balak daw ni Mojack na magkaroon ng show for a cause para sa mahal na kaibigang si Blakdyak.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING