Moira dela Torre at Jason Hernandez hiwalay na

MATAPOS ng tatlong taon ay nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez na ikinasal noong January 2019. Matatandaan na kahit na puro ‘hugot’ songs ang inaawit at kinakanta ng dalawa ay marami ang nagsabing ‘relationship goals’ ang dalawa.

Moira dela Torre at Jason Hernandez hiwalay na
Jason Hernandez and Moira Dela Torre

Sa pamamagitan ng Instagram account ni Jason Hernandez ay naglabas ng joint statement ang dalawa.

“It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult time.”. Ito ay ishinare din ni Mora sa kanyang Instagram stories na walang ibang caption.

Ayon kay Jason, ang pagsusulat ng kanilang separation statement is  “the hardest thing I’ve ever had to write.”

“But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me,” sambit pa niya.

“3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.” pagtatapos nito.

Nag-umpisa ang usap-usapan na tila may problema ang pagsasama ng dalawa noong April 2022 nang mapansin na tinanggal ni Moira ang mga larawan nila ni Jason sa kanyang Instagram account. Itinanggi ng dalawa noong Abril na sila ay hiwalay na.

Matatandaan na brokenhearted noon si Moira nang makilala ang kanyang asawang si Jason, na naging inspirasyon ng kanyang hit song na ‘Tagpuan’ na madalas na rin gamitin sa mga kasalan.

We wish love and healing for the hurting couple.

Previous articleTop 10 KDramas to Watch this June 2022 (Part 2 of 2)
Next articleON RELATIONSHIPS: ‘Flirting is already cheating!’ – Bea Alonzo