Model na si China Roces, nakikisakay sa sex video scandal ni Paolo Bediones

ADVERTISING

Model na si China Roces, nakikisakay sa sex video scandal ni Paolo Bediones

China-RocesOBVIOUS NA nakisakay lang itong starlet/model na si China Roces sa sex video scandal ni Paolo Bediones. Inikot na yata ang mga interviews para i-deny lang na hindi siya ‘yung babaeng nasa video.

Eh, hindi naman pala siya, bakit panay interview nang interview. Saka sino ba ang nagsabing siya ‘yun?

‘Di ba galing yata kay DJ Mo Twister na siyang unang nag-interview sa babaeng ‘yun?

Tapos kinausap nito si Butch Francisco na meron pa raw ipinakilala sa kanya na isang babaeng girlfriend daw ni Paolo at gusto na raw nitong makipag-break.

ADVERTISING

Iyon pala, business partner pala ni Paolo ‘yun at wala naman daw siyang balak na lumabas para magpa-interview lang. Dinadamay lang yata siya nitong China para makisakay sa isyu.

Anyway, ang sabi lang ng kampo ni Paolo, huwag na raw iligaw ang isyu. Ang ipinaglalaban nila rito ay masugpo ang mga nagkalat ng video na ito.

Kaya nga lumapit siya sa PNP para simulan na ang imbestigasyon para malaman na kung sino ang nagpasimuno ng pagkakalat nito. Sila nga kaya ang mga nagpapadala ng mga extortion letters na ipinaparating kay Paolo?

Tahimik na ang kampo ni Paolo tungkol dito dahil dapat na hindi mabigyan ng ideya ang kung sino man ang mga nag-i-extort sa TV host.

Mabuti at suportado si Paolo ng TV 5 at ng mga kaibigan at pamilya niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING