Model Luke Jickain, sasabak sa international flag football competition sa Thailand

ADVERTISING

Model Luke Jickain, sasabak sa international flag football competition sa Thailand

Luke-JickainBUKOD SA pagmomodelo at pag-aartista, isa rin palang atleta ang hunk actor/model na si Luke Jickain, kung saan isa siya sa miyembro ng Agila Flag Football Philippine Team. Ito nga raw ang pinagkakaabalahan ni Luke ngayon, dahil gusto niyang makapag-uwi ng medalyang ginto sa bansa.

“Bale busy ako sa flag football, nagri-rigid traing ako. ‘Yung flag football, ‘yun ‘yung pinapasa ‘yung bola, ‘yung oblong. So, nagti training ako, tatlong beses sa sa isang linggo, drills and flag football itself, hindi lang masyadong halata.

“Tapos lalaban kami sa international sa November 13 to 19 sa Phuket, Thailand. Tapos kapag nanalo kami sa Asia, magku-compete kami next year towards summer sa Stockholmes, Sweeden.

“Ang pangalan ng team namin Agila. Meron kaming tatlong divisions, ‘yung beach division, all-male at coed division. Bale nagti-traing ako sa all-male, coed at sa beach division. Kaya naman two times a week, kailangan naming pumunta ng beach para maglaro ng beach football,” pagtatapos ni Luke.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING