Mocha Uson, inulan ng batikos sa “posisyon” daw sa Bureau of Customs

ADVERTISING

Mocha Uson, inulan ng batikos sa "posisyon" daw sa Bureau of Customs

Mocha Uson
Mocha Uson

Kung gaano kabilis kumalat ang balita na ang sexy performer na si Mocha Uson na isang diehard faney ni President Rodrigo Duterte na ito diumano ang hinirang ng Bureau of Customs as their Social Media Consultant, ayon sa ibinalita ng ABS-CBN News Online, ganu’n din kabilis ang reaksyon ng netizens na hindi sang-ayon sa “appointment”.

ADVERTISING

Pinabulaanan din after a few hours ni BOC Commisioner Nicanor Faeldon ang naturang balita.

Sa balitang lumabas, sinasabi na si President Digong diumano ang nag-appoint sa grupo ni Mocha (just thinking kung ano ang ganap nila sa Customs). Pero si Comm. Faeldon, hindi ia-appoint si Mocha Uson as BOC Social Media Consultant. Pero as a writer, nakakapagsulat naman daw ang sexy star.

Sa kanyang personal blog na “Mocha Uson Blog” na may nakuhang 71,000 plus views, makikita na naka-black long sleeves blouse ang sexy performer habang ini-interbyu ang BOC Commissioner.

ADVERTISING

Sus! Heto na naman at nakuryente o sinalsal kaya ng ABS-CBN News Online ang istorya?

Nakakatawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING