Mocha Uson, binuweltahan ng followers ni VP Leni Robredo

ADVERTISING

Mocha Uson, binuweltahan ng followers ni VP Leni Robredo

Mocha Uson
Mocha Uson

Binuweltahan ang maepal na si Mocha Uson ng followers ni Vice President Leni Robredo.

Nag-rant kasi si Mocha nang sabihin ni VP Leni na may kakulangan sa rehabilitation centers. Pumalag si Mocha at sinabing dapat si VP Leni ang tumulong at hindi ‘yong pasyal lang ito nang pasyal sa ibang bansa. Ang feeling niya ay naghahanap daw ito ng atensyon sa international media.

Lait ang inabot ni Mocha sa comments sa isang popular website.

“Daming sinasabi nito si Uson. Di niya alam na mga taong katulad niya nagpapasama sa image ng presidente.”

ADVERTISING

“Mocha Uson, before you even dare ask the VP kung ano nagawa niya, mag research ka din, para di ka rin nagmumukhang tanga. For someone who’s only claim to fame is ang pagiging malaswa, ang lakas ng loob ng magtanong sa isang taong napakaraming nagawa nung Congresswoman siya. Sa tingin mo sinong famewhore sa inyong dalawa?”

“Nakakahiya naman yung sinasabi niyong papasyal pasyal hard at work sa pagstreamline at pagcut ng red tape para makakuha ang mga Pilipino ng pabahay. Ang galing ngang pumuna pero pag may dapat namang icriticize sa kasalukuyang administrasyon tikom ang bibig. For supporters of both Duterte, LP at kung sino mang politiko, sana iangat natin ang antas ng pagiging kritiko. Kaya nagkakaganito ang bansa eh.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING