Mo Twister, to be blame in his own ‘scandal’ with Rhian Ramos

ADVERTISING

 

Mo Twister, to be blame in his own ‘scandal’ with Rhian Ramos

ADVERTISING

Mo Twister, to be blame in his own ‘scandal’ with Rhian RamosOLA CHIKKA NOW na! Oh, no… Oh, yes! Don’t make your Monday a blue Monday. Mas nakakalokang isyu talaga na Monday na Monday nga, maiinit ang chikka!

Totoo nga talaga ang balitang hindi na nagsasama sa iisang dressing room sina Vic Sotto at Pia Guanio. At totoo nga ang balitang wala na talaga silang relasyon, dahil nga sa ipinapakita ni Pia na wala na talaga silang eksena ni Papa Vic, at hindi na nga isyu na may bago na si Pia, dahil nga wala na sila ni Vic. Nakakawindang, ‘di ba?

Ano kaya sa tingin ng mga kaparazzi natin?

ADVERTISING

 

AT HETO NAMAN ang chikka ngayon sa paglabas ng isyu na nakapagmura si Richard Gutierrez sa isang MMDA, dahil nga nang mahuli sila sa overspeeding.

Nag-explain naman ang kampo ni Richard, at nang malaman ko nga talaga ay hindi nga niya ito minura. Sa sobrang pagmamadali niya, napamura siya sa driver niya mismo dahil sa nangyari.

Siguro naman talaga, kahit sino ang mapunta sa ganu’ng eksena, masa-shock talaga ito, at hindi na niya mapipigilan kung anuman ang maramdaman niya.

Kaya lang, mukhang maiinit din ang mga MMDA, at hindi rin sila nakipag-usap nang maayos. Ano ba namang eksena ito, dapat magbigayan sila, ‘di ba? Para walang isyu, at dapat, huwag daanin sa init ng ulo…

 

AT HETO ANG pinakamainit na chikka at nakakaloka, dahil hindi nga ako nanonood ng show ng mga ‘yun, may nag-chikka lang sa akin na kaparazzi, na nag-react daw itong si Mo Twister, at sinabi ngang hindi raw totoo ang kumakalat na isyu sa kanila ni Rhian Ramos. At kung sino raw ang nagsulat na may scandal nga sila ni Rhian?

Ang tanong: may nagsulat ba? Eh, ang alam ko lang, patanong ang isinulat ko noong nakaraan, dahil nga mas malala pa nga sa scandal ang ginawa niya kay Rhian. Lahat nga kasi ng kalaswaan nila, itinu-tweet niya, at siya pa mismo ang nagkukuwento kung ano ang mga eksenang nangyayari sa kanila.

Kaya ang masasabi ko lang sa inyo, magpakatotoo kasi kayo kung ano ang nararamdaman n’yo. Ito lang ang masasabi ko, hindi lalabas ang isyung ito kung hindi niya sinimulan, ‘di ba? At ikaw na rin mismo ang nagsabing ikaw ang may kasalanan. Uulitin ko, at ito lang ang masasabi ko… MAGPAKATOTOO KA!!!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING