Mo Twister, Tanggal na sa Magic 89.9?!

ADVERTISING

 

Mo Twister, Tanggal na sa Magic 89.9?!LUMALABAS NA mukhang permanente na ang pagkakasuspinde kay DJ Mo Twister sa Magic 89.9 na “Good Times in the Morning” mula 6-9 ng umaga.

Nagsimula ang suspension ni DJ Mo Twister nang magawa ni Mo at mga kasamahan niyang DJ na sina Mia at Suzy na linlangin sapamamagitan ng Twitter si Charice Pempengco.

Ngunit magsimula kahapon ay may mga bagong DJs nang maririnig sa pang-umagang programa ng Magic 89.9.

Tilang kuwelang-kuwela ang mga bagong grupo na pinangungunahan ni DJ Grace Lee, DJ CJ Rivera at ng guest nilang si Divine Lee. Dati na rin si Grace Lee na kasamahan ni Mo Twister at DJ Mojo Jojo sa programa.

ADVERTISING

Umalis si Grace sa Good Times ng simulang idinadawit ni DJ Mo si

Pangulong Noynoy at tila “pinaglalaruan” ito sa kanyang programa.

Halos magkasunod na nilayasan nina DJ Mojo Jojo at Grace Lee si Mo Twister. Matapos “mag-resign” si DJ Mojo Jojo, madaliang nagbitiw sa programa si Grace Lee makalipas ang isang linggo. Nagsampa naman ng kasong libelo laban kay DJ Mo Twister ang abogado nina DJ Mojo Jojo.

 

Mo Twister, Tanggal na sa Magic 89.9?!
Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING