Mo Twister, sinira ang career ni Rhian Ramos!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka more fun to the maximum authority of chikka ng yours truly at bonggang-bonggang eksena na naman tayo! Maloloka ka talaga sa earth!

Kumustahin naman natin ang naging eksena ni DJ Mo Twister sa isyu ng nagpalaglag daw si Rhian Ramos. Ano kaya ang mapapala nitong si DJ Mo at bakit ganu’n ang naging eksena niya? Sa tingin naman kaya niya, nakatulong sa kanya ang pinaggagawa niya? Kung tunay siyang lalaki, hindi niya gagawin ‘yun.

Kung ako sa kanya, magpapakalalaki na lang ako, dahil kung lalaki siya ay hindi niya gagawin. Kaya tama talaga ang hula ko, ‘di ba?

Nakakaloka naman ang eksena kay Rhian Ramos na super apektado namang talaga sa malaking pasabog nitong si Mo. ‘Di alam ng nakararami kung ano ba talaga ang intensiyon niya. At after pasabugin ni Mo, tsinugi na raw sa Siyete si Rhian. At apektado rin siya sa naganap na  video scandal, dahil kahit ultimo endorsement ni Rhian ay nawala na sa kanya, at tsinugi na rin siya sa Manny Many Prizes.

Nakakaloka na talaga ang naging eksena nila at tuluyang winasak ni DJ Mo ang career ni Rhian. Bitter!

AT AYON naman sa aking source na pagala-gala, naispatan ng kaparazzi natin itong si Albie Casiño na may pinapunta pala ito sa hospital, kung saan nanganak si Andi Eigenmann para pa-picture-an ang bata. At take note, pinapatanong din niya kung magkano ang bills para side na ni Albie ang magpe-paysung.

Nakakaloka! It means, tanggap na niya? Pero ang tanong, pumayag ba ang side ni Andi?

Heto na ang chikka, hindi sila pumayag at hindi nila pinansin ang mga taong ito. Alam kaya ni Andi ang naging eksenang itey?!

AT HETO naman ang isa pa sa naging eksena dahil itong batang ito na si Marc ay pamangking buo pala ni Jed Madela. Bakit hindi kaya tulungan ni Jed itong batang itey na si Marc?

Kitang-kita naman natin na may potential naman at marami nang nilabasan na mga teleserye ng Dos, na nagmarka naman sa mga nanonood.

Kulang ang suportang ibinibigay sa kanya kaya hindi napansin, pero tuluy-tuloy ko pa ring susuportahan ang batang ito hanggang sa makilala.

Kaya ko ito isinulat, baka-sakaling mabasa ito ng tito niyang si Jed at matulungan niya at magkita na sila in person, dahil mukhang hindi pa yata sila nagkikita. Lagi silang nagkakasalisi sa ASAP noon… Pak!

KUNG NABITIN kayo sa ating mga chikka ay maaari n’yo kaming subaybayan sa DWSS 1494 khz sa programang “Ola Chikka Now Na!” with Lady Camille mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m – 12:00 nn, at tuwing Linggo sa DZRH 666 khz, “Sa Totoong-totoo lang, ‘Yun na!”, 2:30 – 3:30 p.m.  This is your Tita Swarding saying… God bless us all! Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleSharon Cuneta, pinangunahan ang Christmas ID ng TV5
Next articleSolenn Heussaff, walang kiyemeng niromansa sina Dennis Trillo at Paulo Avelino!

No posts to display