Mo Twister, pinupuntirya ang mga Estrada

ADVERTISING

Mo Twister, pinupuntirya ang mga Estrada

Mo-TwisterUMARYA NA naman ng kayabangan si Mo Twister na tila hindi magiging buo ang araw kapag walang inaaway.

At tila ang mga Estrada ang palagi niyang puntirya. Parang galit na galit siya sa mga ito.

Lately, si Jules Estrada ang kanyang binabanatan sa social media. Nainggit yata si Mo dahil sa latest post ni Jules ay meron siyang kasamang Ferrari car. Sa isang shot naman ay hawak nito sa kamay ang isang Ferrari key. Hindi naging maganda ang dating nito kay Mo kaya umarya siya ng panlalalait sa binata.

“How to Properly Be A Douchebag. Exhibit A: @julesestrada Step 1: Get a Ferrari and pretend you paid for it. Step 2: Tweet a pic of the key. Step 3: Over the weekend, go to a five 5 star hotel with said Ferrari and Step 4 (most important): clip and dangle the key OUTSIDE of your pants so everyone can see that the key has a Ferrari emblem and we can all pretend to drool in envy that you have a Ferrari instead of our country having a new school setup somewhere people may have needed it. Jules, you are Proper P̸o̸s̸h̸ Douche.Follow.”

ADVERTISING

‘Yan ang nakakalokang message ni Mo. Naimbiyerna pa siya nang i-unblock siya ni Jules, ha?

Nakakaloka itong si Mo. Matapang lang siya dahil nasa ibang bansa siya. Matanda na siya pero ang dami pa niyang kaaway. He didn’t grow up, literally and figuratively.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING