Mo Twister, nakipagsigawan muna sa executive ng Siyete bago lumipat sa Singko!

LAYLAY NA ANG ratings ng Wowowee. At weekdays na lang pala ito mapapanood – meaning Lunes hanggang Biyernes na lang. Malamang na ‘extended’ pa rin ang bakasyon ni Willie Revillame sa noontime variety show ng ABS-CBN. Nu’ng pumutok ang balitang magkakaroon daw ng closed-door meeting ang TV host sa execs ng Dos, palipad ito papuntang Macau, China para sa victory party ni Governor-elect Chavit Singson. Kaya hindi ‘yon natuloy.

Nu’ng Linggo, isang exclusive taped interview kay Willie ni Cristy Fermin ang ipinalabas sa Paparazzi ng TV5. Bakas sa mukha ng TV host ang kalungkutan. May ilang katanungang hindi niya direktang sinagot. Tulad ng kung anong plano niya ngayong ‘kulay dilaw’ na raw, ayon mismo kay Cristy, ang ABS-CBN.

Hindi rin daw siya galit kay Pokwang, pero may pahaging si Willie na siya raw ang naging daan para makapasok ang komedyana sa Wowowee. Pinuri niya rin naman si Pokwang na kaya rin naman nagtagal sa TV show ay dahil talentado naman ito. Humingi rin naman daw sa kanya ng dispensa ang komedyana dahil ang inendorso nito ay ang kalaban ni Manny Villar na si Noynoy Aquino.

Hindi na rin nagkomento si Willie nang matanong ang isyu sa kanila ni Jobert Sucaldito – ang puno’t dulo ng leave of absence ng TV host sa Wowowee.

Sa buong panayam ni Cristy kay Willie, halatang may ‘tampo’ ito sa ABS-CBN at tila hindi na interesadong magbalik pa sa Wowowee. Pero alam naman natin na sa showbiz, unpredictable ang lahat. May mga fans din si Willie na nagre-request na magbalik na ito sa kanyang TV show. Mas masaya raw ang noontime variety show kung nandoon ang kontrobersiyal na TV host.

NAGKASIGAWAN PALA SINA DJ Mo Twister at Wilma Galvante nang magkaharap sila para pormal na magpaalam na lilipat na ang una sa TV5. Ito ang inamin ng TV host-disc jockey sa Paparazzi nu’ng Sunday rin. ‘Bossy’ raw masyado ang dating ng GMA TV executive. Pero sabi na lang ni DJ Mo, marahil ay ‘yon na talaga ang ugali ni Galvante. After naman daw ng kanilang meeting, nagkaayos naman sila. Pero ang naging impression nga ni DJ Mo, hindi ‘ma-Kapuso’ ang naging pakiramdam niya sa trato ng lady executive sa kanya.

Pabirong susog naman ni Ruffa Gutierrez, magkakasundo sina DJ Mo, JC de Vera at ang mommy niya regarding Galvante.

Dagdag pa ni DJ Mo, sinulatan niya si Galvante ng isang ‘heartfelt letter’, pero disappointed siya sa ‘malamig’ na response nito sa sulat niya. Aminado naman ang TV host-disc jock na maganda ang offer ng TV5 na mahirap tanggihan, pero pahabol na biro niya, “Hindi kasinglaki ng kay Ruffa!”

Habang pinapanood namin ang batuhan nina DJ Mo at Ruffa, napansin namin na maganda ang chemistry ng dalawa on-screen. They really complement each other. Kaya parang maganda ang ideya na mabigyan ang dalawa ng kanilang sariling TV show. Ano sa palagay n’yo, TV5?

OKEY NAMAN ANG PO5. Bawasan lang nila ‘yung pagpapasayaw ng sexy stars na nagmumura ang mga bilbil. Bigay na bigay ang paghataw nila, kaya panay rin alog ng mga taba nila sa tiyan. Hindi masarap panoorin. ‘Sexually implicit’ din ang dance routine nu’ng grupo last Sunday, kaya kailangan naming maglipat ng channel dahil nanonood din ang mga anak namin.

Anyway, magaganda naman ang presentation sa PO5. At sana ay ‘wag silang tumigil sa pamimigay ng kotse… hangga’t hindi pa kami nananalo!

Bore Me
by Erik Borromeo

Previous articleAga Muhlach at Janice de Belen, lolo at lola na!
Next articleSa pambu-bully ng Ampalaya Anonymous: Pauleen Luna, kay Cristine Reyes talaga sumama ang loob!

No posts to display