Mo Twister, nakasama ang Holywood actress na si Anne Hathaway!

ADVERTISING

Mo Twister, nakasama ang Holywood actress na si Anne Hathaway!

Mo Twister, nakasama ang Holywood actress na si Anne Hathaway!SUWERTE NAMAN ni Mo Twister. Imagine, nakatabi niya sa isang concert si Anne Hathaway.

“HELL YEAH. I’m standing next to my neighbor Anne Hathaway at the concert!!” tweet ni Mo recently.

He even described what Anne looks like in person.

“She’s got really short hair and is so white! #Gluthaoverload The lips and the body are fantastic. Super nice girl.”

ADVERTISING

“Anne is a super cool girl! We live close by to each other. I should tell her I saw her in Havoc and loved it,” dagdag pa niya.

Ang nakakaloka, hindi nakapagpa-picture si Mo kasama ang Hollywood actress dahil nahihiya siya.

“F*ck, im too shy to ask for a pic, we are at a concert. I was like, “you look like Anne Hathaway.” she said, “I am Anne Hathaway.”

 

MAGANDA ANG mga salitang binitiwan ni Sheena Halili kay Marian Rivera na kasama niya sa Tweets for my Sweet.

“Si Marian, alam lang din niya kung paano ipagtatanggol ang sarili niya which is importante sa aming mga artista ‘yon, ‘di ba? Kailangang alam namin kung ano ang limitations ng taong nakapaligid sa amin. ‘Yun lang ‘yung meron siya na hindi nakikita ng ibang tao,” esplika ni Sheena.

“It’s okay na maging palaban kasi ‘yun ka, eh,” dagdag pa ng dalaga.

Napansin namin na puro pagtatanggol si Sheena kay Marian.

“Hindi naman pinagtatanggol iyon. Sinasabi ko lang ‘yung totoo, kung paano ko siya nakilala,” paliwanag niya.

Sabi ng dalaga, never siyang nakaranas ng pagmamaldita ni Marian.

“Wala talaga, eh,” aniya.

“Siguro magagawa lang niya ‘yon… kapag inaapi ka o hindi maganda ang pakikitungo sa ‘yo ng tao… ba’t mo hahayaan ‘yon?

 

NAPUNTA SA kili-kili ni Piolo Pascual ang usapan sa presscon ng Every Breath You Take. May eksena kasi sa movie na hinahalikan ni Angelica Panganiban ang armpit ni Papa P.

“Masarap po talaga. Noong natikman ko po (ay) na-addict ako, na-hook ako,” sabi ng dyowa ni Derek Ramsay.

“Ang ganda talaga ng hair, ang lalim, ang bango. Puwede akong tumira sa kili-kili niya,” tila pang-e-etching ng hitad.

She then described Piolo as “masaya”, “mayaman” at “hindi kuripot”. At kapag kaeksena nga niya si Papa P ay ayaw na niyang umuwi.

“Sobrang galing niyang umarte kaya kapag nandiyan siya kailangan mo siyang sabayan. Game na game siya kahit saan.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING