Mo Twister, hinokus-pokus ang premyo ng kontes sa radio show?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng bonggang-bonggang eksenang chikkahan ng yours truly! Kaloka ang mga eksena to the highest level, maloloka talaga ako sa Earth!

Kumustahin naman natin itong naging tahimik na isyu na hindi puwedeng walang makaalam, dahil marami ang naapektuhan. Ang pinagmulan ng eksena nila, heto na nga dahil matagal na pala itong game show nila sa Magic 89.9, ang KSP Challenge. Marami ang sumali dahil sa prize na half a million, P500,000, kaloka!

Kasi ang mga naging eksena rito, hanggang ngayon pa rin pala ay nagra-radio pa rin si DJ Mo Twister, kahit nasa ibang bansa siya. Pero ito ang pinaka-isyu rito, hanggang ngayon, walang nanalo at hindi raw ito naka-register sa DTI. Ang dapat tanungin d’yan at magpaliwanag, ang Smart kung naibigay na ang pera kay Mo Twister, at bakit hanggang ngayon, wala pang winner at nagpo-program pa rin sina Mo at Grace Lee na wala man lang sinabi kung sino ang winner.

Ang dami kasing lumahok na naghihintay, ay isa na d’yan ang Malabon Filipino-Chinese Volunteer Fire Fighter Association Inc., at marami silang finalists, pero walang i-announce na winner.

Heto’t nagkasakit na si DJ Mojo Jojo sa kaiisip kung ano ang gagawing rason at nasa ICU na sa Medical City.

Si Grace Lee naman, nagbibingi-bingihan sa nangyari, parang takot siya kay Mo Twister. Baka naman maraming alam si Mo kay Grace? Kilala n’yo naman itong si MO, walang panakot kundi ‘sisirain kita’.

Tulad nga ng ginawa nito kay DJ Mojo Jojo na kung anu-ano ang ginagawang pananakit – binabato ng telepono, binabaril ng airgun. Nagsumbong itong si DJ Mojo sa isang politician, tinawagan ngayon ang management ng Magic 89.9. Ayun, sinuspindi pa ang kawawang DJ Mojo.

Naku, bakit ganu’n na lang kalakas si Mo Twister sa management? Dapat siya ang tanggalin para malaman niya na ang ugali niya. At ang nakakaloka pa rito, hindi inaamin ni Mo Twister ang mga pananakit na ginagawa niya, sa iba niya ipinapasa.

Grabe raw talaga kasama ang ugali nitong si Mo Twister, lalo na ‘pag kasama mo ito sa trabaho. At kung anu-ano pa ang mga pananakot niya kay DJ Mojo, tulad ng ipatatanggal niya ito sa trabaho. Mataray na litanya pa raw nito kay DJ Mojo na, “You’re nothing without me!”

Sorry na lang siya, dahil kung ako man ang nakaalam ng ganitong eksena, hindi ako matatakot na isulat, lalo na ‘pag may katotohanan at may pinaglalaban. Nasa’n na kaya ang winner? Sino ba ang dapat sisihin dito kung bakit walang ina-announce na winner?

Kaloka naman ang mga pangyaya-ring ito. Magtanda kaya si Mo Twister kung mabasa niya itey? Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleArjo Atayde, ‘mahilig’ sa bading!
Next articleGerman Moreno, Nabastos ni Elmo Magalona?!

No posts to display