Mo Twister, ginastos kay Rhian Ramos ang P500-T na premyo?!

ADVERTISING

Mo Twister, ginastos kay Rhian Ramos ang P500-T na premyo?!

Mo Twister, ginastos kay Rhian Ramos ang P500-T na premyo?!MAY LUMULUTANG nga-yong bagong ebidensya na ginastos umano ni DJ Mo Twister kay Rhian Ramos ang P500-T premyo na para sana ay sa kontrobersiyal na KSP Challenge.

Matatandaang malaking kontrobersiya ang lumabas nang hinanap ng ilang DJ sa Magic 89.9 ang premyo na para sana sa mga lumahok sa KSP Challenge ng Magic 89.9. Si Mo Twister daw ang tumanggap ng premyo mula sa SMART Communications.

Ngunit may lumalabas na balita na kumakalat sa Internet na ilang Pilipino sa Paris ang nakarinig kay Mo Twister noong siya’y nasa ekslusibong Chanel store na 21 Rue Fbg St Honore Store sa Paris. Ayon sa balita, kausap daw ni Mo Twister si Rhian sa telepono habang nasa Chanel. Narinig daw si Mo Twister na sinabi sa telepono, “I can buy you a bag worth 500k thanks to a prize I decided to award to myself.”

Ilang beses nang nagpaliwanag si Mo sa pamamagitan ng kanyang programa sa Magic 89.9 at pati rin sa ilang pahayagan tulad ng Philippine Daily Inquirer at sa pep.ph tungkol sa nawawalang premyong ito. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin ma-laman kung saan napunta ang P500T na ipinaubaya ng SMART Communications kay DJ Mo Twister.

ADVERTISING

Nananatiling tikom ang bibig ng station manager ng Magic 89.9 na si Andrew Santiago. Mahigit pitong kalahok sa kontrobersiyal na KSP Challenge ang lumantad para malaman kung sinong nanalo sa paligsahan. Pero mukhang lumalalabas na binabale-wala ng pamunuan ng Magic 89.9 ang pangyayari.

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING