Mo Twister destroyed Rhian Ramos’ ‘sweet’ image!

ADVERTISING

Mo Twister destroyed Rhian Ramos’ ‘sweet’ image!

Mo Twister destroyed Rhian Ramos’ ‘sweet’ image!IPA-PARAPHRASE LANG namin ang kawikaang “Hell hath no fury like a woman scorned” para iangkop sa pag-e-emote ni DJ Mo sa breakup nila ni Rhian Ramos.

ADVERTISING

So, is it “Hell hath no fury like a MAN SPURNED”? Kelan lang, ang gaganda ng mga tweets ni Mo in their recent Grecian (Santorini) trip tulad ng mga larawang kuha mismo ni Rhian. All of a sudden, Mo’s next tweets implied something went wrong in the relationship.

Napakaemosyonal ng mga tweets ni Mo, bagama’t there’s no direct reference to Rhian ay halatang ang aktres ang kanyang tinutukoy during their happier times that sadly ended on a sad note.

Para sa iba, nakakaawa ang dating ni Mo, here’s this guy whose world revolved around Rhian pero hindi naging fairy tale ending ang kinasapitan ng kanilang relasyon, which was kept under wraps… aminin nila, ‘no!

ADVERTISING

But the scary part is Mo’s string of astounding revelations never before told in showbiz. Ilan sa mga ito ang kanila palang live-in setup ni Rhian, their hotel check-ins, their intimate nights and the like.

Minsan nang na-blind item sina Mo at Rhian as having vacationed in Dra. Vicki Belo’s apartment in Paris, France.  Mismong ang caretaker pa ng doktora ang nagbuking na namalagi sa isang kuwarto roon ang magkasintahan.

Mo’s expose on a supposedly private matter between him and Rhian—sa aminin man nilang dalawa o hindi—creates a disturbing effect on Rhian on the following accounts: una, wholesome ang imaheng ipino-project niya lalo’t kunektado siya sa isang top executive ng GMA; ikalawa, Mo is no longer a GMA talent kung kaya’t all the more na pilit inihihiwalay ang kunek nila ni Rhian sa isa’t isa.

With Mo’s revelations tungkol sa “mas malalim” na kinahantungan ng kanilang relasyon ni Rhian, what credibility does Rhian still have sa kaeklayan nitong kesyo hindi pa raw siya handang magpa-sexy gayong sa mga pasabog ng dyowa niya sa tweets, wala nang maniniwalang conservative ang aktres?

To say na naging maamo raw si Mo taliwas sa kanyang palaban at walang inuuru-ngang pagkatao sa hiwalayan nila ni Rhian is a BIG LIE! Worse, ang paawa effect ni Mo as a spurned lover is doing more harm than good sa imahe ni Rhian, na paano kaya ngayon maisasalba ng GMA Artist Center… aber, Justin Bieber?

KUWENTONG BABAENG TALIPANDAS ang hatid ng episode ng Face To Face ngayong Miyerkules na pinamagatang Babaeng Parang Karinderya Na Bukas Sa Umaga, Tanghali At Gabi Para Sa Apat Niyang Lalaki.

Katsipang story ito ni Maribel na pinagsabay-sabay ang mga boylet na sina Anthony, Jomar, Edward at PJ. Ang katwiran ni Maribel na nanghiram lang yata ng kati sa gabi, higad at buni, nagawa niya ‘yon para may maipakain sa apat niyang anak, kaya apat din ba ang kinalantari ng hitad?

Paano kaya aawatin ni Amy Perez ang apat na lalaking pinagtagpu-tagpo, o ang kati-katerang si Maribel ba ang dapat umawat para maiwasan ang pagdanak ng dugo?

Tunghayan naman bukas, Huwebes, ang episode na Magkapatid Na Babae At Bading, Inahas Ng Kapatid Nilang Kerengkeng! Tungkol naman ito sa mortal na magkakaaway na magkakapatid na iisang lalaki lang naman ang ugat ng kanilang katsipang alitan.

Naku, ha? Parang tribute ito sa mga pelikula ni Ate Vi… kung saan may linya siya  na, “Para kang karinderyang  bukas sa lahat ng gustong kumain!” at ang movie niyang Bertang Kerengkeng!

Halata bang Vilmanian ako, Kuya Dan?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING