Mo Twister, bitter na bitter sa pag-alis sa bansa!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly at nag-iisang bonggang-bonggang eksena na talaga namang nakakaloka!

Kumustahin naman natin ang eksena ng dalawang magdyowa noon na sina KC Concepcion at Piolo Pascual. Nakakaloka ang mga chikka, dahil hanggang ngayon at noon ay talaga namang totoo lang ang sinasabi ko, at iisa lang ang nararamdaman ko. Dahil kahit hindi idinirekta ni KC ang kanilang pinag-awayan at dahilan ng kanilang break-up, nakakaloka ang mga eksena dahil it takes one to no one na ‘bading’ siya.

But in fairness naman kay Papa Piolo, kung mahal talaga siya ni KC, magpaparaya siya. Bakit naman ako, ‘te… tumanda na nang ganito, naunawaan ako ng mga anak ko at ina ng mga anak ko. Dapat bago niya hinusgahan si Piolo, tingnan muna niya ang sarili niya kung may pagkakamali siya. Wala sa gender ang pagsasama ng mag-asawa, kundi nasa pag-uunawaan ‘yun ng bawat isa ‘di ba? Ang mase-say ko ay take it from me… Pak!

  ang eksena ng nakaklokang si DJ Mo Twister na aalis na ng bansa para iwan ang showbiz career niya,  dahil mas maganda raw siguro ang magiging career niya.

At siyempre, kung anu-ano ang pahayag niya sa Twitter account niya at hindi raw siya magiging successful sa mga pinagdaraanan niya. At siguro, mas may mabigat pa siyang pinagdadaanan ngayon. Lalo na siguro si Rhian Ramos, may mas mabigat pang pinagdadaanan. Nakakaloka ang eksenang chikkahan dahil ang isang mabigat na pinagdadaanan ng isang babae ay ang pagdadalaang-tao. Nakakaloka, true, ba? Haha!

Nakakaloka naman ang tanong nitong ni Lucy Fermin na kung nakunsensya ba kayo? Bakit may ganu’ng tanong? Ang say naman nitong ni Mo ay siya lang ‘di kami, nakakaloka, ‘di ba? At ang mga eksena niya ay bitter na bitter itong si DJ Mo sa pag-alis niya.

Ok na ‘yun na umalis siya para mawalan na ng isang nega sa showbiz na dapat magpakatotoo na siya! Hahaha! Nakakaloka!

KUNG NABITIN KAYO sa ating mga chikka ay maaari n’yo kaming subaybayan sa DWSS 1494 khz sa programang “Ola Chikka Now Na!” with Lady Camille mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m – 12:00 nn, at tuwing Linggo sa DZRH 666 khz, “Sa Totoong-totoo lang, ‘Yun na!”, 2:30 – 3:30 p.m.  This is your Tita Swarding saying… God bless us all! Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleManok ni chief!
Next articleBaby Nathaniel, maagang Pamasko kina Regine Velasquez at Ogie Alcasid

No posts to display