Mo Twister, binanatan si Manny Pacquiao

Mo Twister, binanatan si Manny Pacquiao

Manny-Pacquiao-Mo-TwisterBINANATAN NI Mo Twister si Manny Pacquiao sa Twitter. Although excited siya sa Manny Pacquiao-Floyd Mayweather fight, he was also disappointed nang sabihin ng Pambansang Kamao na “Glory to God” na matutuloy na ang kanilang much-awaited match.

“First of all, as a sports fan, thrilled about the @FloydMayweather @MannyPacquiao fight! But for Manny to say Glory to God that the fight is on, yet it’s a barbaric form of entertainment wherein you hurt humans in exchange for massive wealth, doesn’t make sense. You hurt people for a living, to be rich, for pride (ours and yours) so leave shouldnt God be left out of it?” tweet ni Mo na halatang affected much sa one-liner ni Manny.

 

NAKAPAGBAKASYON NAMAN pala si Richard Yap matapos ang final airing ng Be Careful With My Heart at lahat ng mga eksena niya sa Vice Ganda movie na The Amazing Praybeyt Benjamin.

“Diretso ako sa shooting ng Amazing Praybeyt Benjamin after ng Be Careful. Nagbakasyon lang kami with the family, nag-Hong Kong kami for about a week kasi hindi naman puwedeng magtagal ang mga bata kasi meron silang pasok sa school. Even when I’m still working ay masaya na ang mga bata kapag magkasama kami sa weekend. Nag-Dubai rin kami ni misis with some friends,” chika ni Richard sa Thanksgiving party niya for the press.

Napansin naming nagpatubo ng bigote at nagpagupit nang buhok si Richard so we asked him kung ito ay preparation for his new primetime teleserye with Judy Ann Santos.

“Wala lang, sinubukan ko lang para maiba lang. Nagpabago lang ako ng hairstyle kasi more than two years na ‘yung hairstyle ko. ‘Yung bigote naman ay sinubukan ko lang para maiba lang,” say niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas