Mo Twister and Rhian Ramos hide their renewed romance for the sake of the actress’ career

 

Mo Twister and Rhian Ramos hide their renewed romance for the sake of the actress’ career

Mo Twister and Rhian Ramos hide their renewed romance for the sake of the actress’ career

SABI NA LANG namin kay Vice Ganda, ganu’n talaga ‘pag matagumpay. Ang punong hitik sa bunga ay binabato. At ‘yun ang nangyayari sa kanya ngayon.

Grabe rin ang ibang tao, ‘no? Kung maka-wish ng pagbagsak ng kapwa nila, parang napaka-perfect ng pagpapatakbo nila sa kanilang buhay. Parang never silang nagkamali ng mga desisyon sa buhay. Dahil nga perfect sila.

Pero very 80’s ang andar ng utak ng ibang tao. Sila na lang ang hindi nakaaalam na 2011 na ngayon. Ayaw pa rin nilang mag-grow. Para mag-wish ka ng pagbagsak ng iyong kapwa, nangangahulugan lang na naaapektuhan ka sa tagumpay ng iba?

 

ILAN NA ANG nagsabi sa aming si Direk GB Sampedro ang nagkakalat ng mga balita tungkol kay Vice Ganda. Siyempre, marami siyang kaibigang reporter. At ang kuwento lang niya’y papanig lang sa kanya.

Kaya naman ‘yung ibang sumulat, kinampihan agad ang kuwento niya. Ni hindi man lang pinairal ang fairness sa pagsusulat. Talagang kung husgahan si Vice ay parang sila ang Diyos sa industriyang ito.

Na ubod sila nang perfect at never silang nagkamali ng pamamalakad sa buhay nila. Maiintindihan namin kung kahit patanong man lang ay pinagdudahan nila ang kuwentong nakarating sa kanila, eh.

Iniipon lang namin ang mga isyu naman ni GB Sampedro para maging patas ang laban. Nakakahiya naman kung puro panig lang niya ang naririnig at kung puro siya na lang ang tama at kinakaawaan.

‘Di ba, Candy Pangilinan, Vhong Navarro at Ai-Ai delas Alas?

 

SI DJ MO Twister, hindi updated sa showbiz. Nagmamarunong, pero lumalabas na Inglisero lang talaga, period. Saan naman nanggaling ang kanyang argumento na laging ang isyu kay Vice ay “financial kind”?

Nakakaawa itong syota ni Rhian Ramos. Imagine, wala nang maibatong intriga sa amin, kaya “suma-scientist” na naman siya ng isyu.

Ang dapat sagutin ni Mo ay kung totoong nagkabalikan sila ni Rhian, dahil isang kaibigan niya ang nag-confirm sa amin na sila na uli, pero hindi lang nila iniingay, dahil ayaw na nilang maudlot ang kanilang relasyon.

O, ayaw na lang ng kampo ni Rhian na ma-link uli ang dalaga kay Mo, dahil alam nilang hindi makakatulong sa career nito?

Palagay n’yo?

 

WE’RE SO HAPPY for Aiko Melendez sa kanyang pagbabalik, dahil ang lola n’yo, wala pa ring kupas ang husay sa pagganap sa Reputasyon bilang kontrabida sa buhay ni Cristine Reyes.

Sabi nga namin kay Aiko, ‘wag na siyang papasok pa sa pulitika, dahil kinakapos ngayon ng mahuhusay na character actress.

Excited naman si Aiko sa kanyang darating na radio online, kaya naman nag-line up na siya ng guests ngayon pa lang.

At nu’ng malaman namin kung sino ang guest niya, wow, panalo. Tingnan natin kung sino sa kanila ang susuko sa pagsagot sa mga isyu.

 

Kung type n’yo kaming sundan sa twitter, i-search lang ang @ogiediaz at sa aming blogsite na www.ogiediaz.blogspot.com at i-like ang aming FB fanpage na “The Ogie Diaz.”

Oh My G!
by Ogie Diaz