MJ Marfori, itinangging siya ang source ng tsismis kina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

ADVERTISING
Mj-Marfori
courtesy of Instagram: mjmarfori

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz ang umano’y pagkaka-develop-an nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Nag-ugat ang tsismis sa tweet ni Mo Twister, kung saan sinabi nito na kinumpirma umano ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori ang tungkol sa relasyon nina John Lloyd Cruz at Bea.

Ani Mo sa kanyang tweet, “So MJ Marfori just told us on @GTWMPodcast that John Lloyd and Bea Alonzo are really together as a couple, overlapping. Chismis!! Hahaha”

Pero sa ulat ng pep.ph ngayong araw, January 17, itinanggi ni MJ na sa kanya galing ang tsismis. Aniya, na-misqoute lang umano siya ni Mo.

“Na-misquote ako dahil sa post ni Mo sa Twitter. Tinanong niya ako kung anong kumakalat sa showbiz beat. Ang sabi ko, ‘From the grapevine, ALLEGEDLY, pinag-uusapan na sa mga pahayagan na wala na nga raw sina Angelica and John Lloyd, and kumakalat na nagkaka-develop-an na sila ni Bea.’

ADVERTISING

“Nagulat na lang ako na bigla siyang nag-tweet nang ganoon. Na-misquote ako and I cited sources na previous days, ‘yun ang kumakalat sa mga pahayagan and showbiz beat.”

Sa mga showbiz news, na-develop umano si Bea kay John Lloyd noong panahong ginagawa nila ang blockbuster movie na “A Second Chance”, kung saan si John Lloyd umano ang naging ‘shoulder to cry on’ ng aktres sa problema niya sa relasyon nila ni Zanjoe Marudo. Nabuking daw ni Bea ang pambabae umano ni Zanjoe kaya tuluyan na niya raw itong hiniwalayan.

Halos ganito rin umano ang naging problema nina John Lloyd at Angelica Panganiban, kung saan nalaman na umano ni Angelica ang nagaganap between Bea at John Lloyd, kaya nakipaghiwalay na rin si Angelica sa aktor.

Matatandaang nitong nakaraang holiday season, hindi nagkanya-kanya ng lugar na pinuntahan sina Bea at Zanjoe, gayundin sina Angelica at John Lloyd. Balita pang mas piniling samahan ni John Lloyd si Bea sa Hong Kong, kaysa samahan si Angelica sa New York.

By Parazzi Boy

ADVERTISING