MJ Lastimosa, ibang gown na ang susuotin ‘pag sumali ulit sa Miss U

MJ Lastimosa, ibang gown na ang susuotin ‘pag sumali ulit sa Miss U

MJ-LastimosaPABIRONG SINABI ni MJ Lastimosa na kung sasali uli siya sa Miss Universe beauty pageant ay ibang gown na ang kanyang susuotin.

Well, it kinda make sense dahil hindi nga naman kagandahan ang gown na isinuot niya sa last Miss Universe event.

To probably prove what she’s saying, nag-post si MJ sa kanyang Instagram account ng isang bonggang-bonggang red gown na gawa ni Leo Almodal ang bumulaga sa kanyang followers. Flaming red ang gown na talagang nagmumura ang kagandahan.

The red gown which Leo did for MJ proves that he is a  world-class fashion designer, hindi katulad ng la favorite ni Stella Marquez Araneta na si Alfredo Barraza. Compared to Barraza’s creations kay MJ, walang binatbat ang Colombian fashion designer na parang may third world sensibilities kung gumawa ng gowns, parang mas maganda pa ang mga sinusuot ng mga beking nagsi-show sa perya kaysa sa mga gawa niya, ‘no!

With MJ’s Instagram post ay mas lalong nag-init ang netizens sa pagsasabing dapat ay Pinoy designer na ang gumawa ng gowns nga mga sasali sa international beauty pageants.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas