MJ Lastimosa, ginawang katatawan ang national costume

MJ Lastimosa, ginawang katatawan ang national costume

1 Mary-Jean-LastimosaLOST IN space, Lotlot de Leon,. at Luz Valdez… ‘yan ang by-word ng mga beki last Monday sa pagkatalo ng kandidata ng Pilipinas na si Mary Jean Lastimoa (MJ for short) sa 63rd Miss Universe beauty pageant.

Bago pa man isinagawa ang patimpalak noong Lunes ng umaga sa Doral, Florida sa Amerika, masaya ang mga beki sa earlier part ng pa-contest. Pasok sa Top 15 si MJ habang ang mga beki na mahihilig sumabaybay sa mga beau-con ay hindi magkandaugaga.

Sa katunayan, sa mga parlor at salon, deadma ang mga bakla. Ayaw munang magtrabaho. After the Miss U na lang sila tatanggap ng mga customer.

From Top 15, pumasok muli si MJ sa Top 10 hanggang sa piliin na ang top 5, at laglag sa banga ang kandidata ng bansa.

Sabi ng mga beauty contest miron, dahil daw sa gown na suot ni MJ na gawa ng isang Columbian designer named Alfredo Barrazza na naglikha ng tsipanggang “national costume” ni MJ sa kumpetisyon.

Sabi ng mg beki, dapat man lang local (Pinoy designers) ang naglikha ng isusuot ni MJ para mas may authenticity at feeling Pinoy ang national costume ng dalaga kaysa naman sa ibang nationality ipagagawa ito.

Ang ending, laughing stock si MJ sa suot niyang super makulay na parang wedding cake.

Pero oks lang. Tapos na ang labanan ng pagandahan na ang nag-uwi ng korona ay si Miss Columbia.

Hindi man kami mahilig sa mga beauty contest at deadma at wala sa prayoridad namin ay nag-channel surfing na lang kami from Star World na may live telecast, sa Kapamilya Network at sa Asian Food Channel na isa sa mga favorite cable channel namin.

Hindi man nagwagi si MJ, sigurado ako, marami pa rin ang magiging interesado sa kanya dahil beautiful si pekpek. Malamang sa hindi, kukunin siya ng Kapamilya Network para mag-sign up sa kanila para maging talent.

Bagay kay MJ ang maging TV host ng mga show ng Kapamilya or event ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Say nga ni Vice Ganda sa patimplak, na ang condo unit niya last Monday morning bago siya pumasok sa It’s Showtime ay punum-puno ng mga kaibigang beki na nagmukhang parlor. “Hindi magaling sumagot ang 5 finalists. Mas ok sana kung nakapasok si Miss Philippines dahil tiyak bongga ‘yong isasagot niya.”

Pero may hinala pa rin ang mga beki sa tsakang national costume ni MJ. “Hmp… I’m sure kinarir nila ‘yan para ma-Lotlot si MJ dahil ‘di hamak na mas maganda ang kandidata natin kaysa sa nag-win na super tapang ng fez…”

Reyted K
By RK VillaCorta