Miyembro ng UPGRADE, gumawa ng awitin para sa Jamich

ADVERTISING

Miyembro ng UPGRADE, gumawa ng awitin para sa Jamich

UpgradeBAGO BINAWIAN ng buhay ang YouTube sensation na si Jam Sebastian last March 4, 2015 ng 10:30 am, isang awitin ang inialay ng isa sa miyembro ng Internet sensation na UPGRADE na si Armond Bernas.
Ayon nga kay Armond, nabuo niya ang kantang “Ikaw Lang at Ako” dahil na rin sa na-inspire ito sa kuwento ng pag-iibigan nina Jam at Mich Liggayu na mas kilala bilang Jamich.
Nanghihinayang nga si Armond at ang kanyang grupong UPGRADE dahil hindi nila nagawang kantahin ito sa harap mismo nina Jam at Mich, bago bawian ng buhay si Jam dahil last March 2 lamang nito natapos ang nasabing kanta at na-post niya sa YouTube ang video na patuloy na tumataas ang views at likes.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING