Mister Puerto Rico-International 2015, pinagkaguluhan sa free hugs campaign

ADVERTISING

Mister Puerto Rico-International 2015, pinagkaguluhan sa free hugs campaign

Mister Puerto Rico-International 2015 Fernando Alvarez
Mister Puerto Rico-International 2015 Fernando Alvarez

Naging matagumpay ang free hugs campaign ng Psalmstre, makers of New Placenta for Women, New Placenta for Men, Olive C, Scent J Cologne, at iba pa na ginanap kamakailan sa Fisher Mall sa Quezon City.
Present sa nasabing event ang guwapo at hunk image model ng New Placenta for Men na sina Laurence Mossman at Mister Puerto Rico-International 2015 na si Fernando Alvarez. Nandoon din ang Miss Earth Air at very sexy na si Stephany Stefanowitz at sina Ms. Olive C Chelsea Starling at Mr. Olive C finalist Karl Aquino.
Game na game ang napakabait at may magandang PR na si Fernando sa dami ng mga kababaihang gusto siyang ma-hug, pati na rin si Laurence na nagpaunlak ng awitin at nakipag duet kay Stephany.
Habang humataw naman sa dance floor ang Dance Prince na si Karl na mabentang-mabenta at talaga namang tinitilian ng mga kabataang babaeng naroroon.
At sa magandang response at sa dami ng mga taong naroroon ay tuwang-tuwa ang mabait at very generous na CEO/President ng Psalmstre na si Sir Jaime Acosta.
Kaya naman daw abangan pa ang pagpunta nina Stephany, Laurence, Chelsea, at Karl sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas para sa kanilang free hugs campaign.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING