Mister ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi, artista na rin!

ADVERTISING

Mister ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi, artista na rin!

Mister ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi, artista na rin!
Ali Khatibi

BONGGA ang mister ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi.

 
Seksi ang dating ng pagka-hunk niya nang ma-interview namin siya yesterday sa isang Japanese fastfood sa Robinson’s Galleria para sa launch ng pagiging action star ni AJ Muhlach para sa pelikulang “Double Barrel” na dinirek ng pamosong si Direk Toto Natividad.
 
Sa pelikula, ang seksi na si Phoebe Walker (ang misteryosang madre sa Seklusyon) plays wife of AJ at ang hunky na si Ali Khatibi plays the role of a policeman.
 
Nag-enjoy ang mga writers sa interbyu kay Ali na very charming at “loveable” na sa bawat mga tanong ng mga bekis sa kanya ay willing siyang sumagot. In short waley kaartehan.
 
Kapag pakiwari niya’y parang dyahe sa kanya at hindi siya kumportable sagutin ang mga tanong ay ngingiti na lang siya na kung sa ibang mga artistang baguhan ay malamang ay sisimangot at magmamaktol.
 
Happy si Ali sa first film niya lalo pa’t ang expertise niya as a mixed martial arts expert ay nagamit niya sa pelikula.
 
Sa katunayan, yong ilalim ng labi niya may marka pa ng naghihilom na sugat na natamaan nang mag-ensayo siya recently .’Yong kanan niyang pisngi may traces din ng galos. “It’s okey. It’s part of the sports.” paliwanag niya.
 
Yes, totoo pala talaga ang sports na mixed martial arts kumpara sa napapanood natin na mga wrestling shows on television na isang palabas lang.
 
In mixed martial arts, you get hurt just like this,”sabay turo sa maliit na sugat sa ilalim ng labi niya na naghihilom.
 
Mister ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi, artista na rin!
The cast of Double Barrel: Jeric Raval, Phoebe Walker, AJ Muhlach, Ali Khatibi and Direk Toto Natividad
 
Sa pagpasok niya sa showbiz, hindi daw ito influence ng misis niya. ’I’ve decided to do the film because it will show my mixed martial arts expertise,” sabi ni Ali.
 
Sa pelikula, he plays the role of SPO4 Lagman na ang pagka-involve ng mag-asawang sina Jeff (AJ) at Martha (Phoebe) sa drugs ay reresolbahin nila ni Jeric Raval (as Inspector Bagani) na naniniwala sa mabilisang resulta at EJK bilang parusa sa mga drug lords at users ng ipinagbabawal na gamot,
 
Ang action film na magla-launch sa career ni AJ as the newest action star ay produced ng Viva Films at showing na on August 2.
 
Basta si Ali, enjoy sa paggawa niya ng “Double Barrel”. Yes, may offer na sa kanya to do another film from Viva lalo pa’t puring-puri siya ni Direk Toto na magaling sa pelikula.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING