Mister, ‘di na mahintay ang misis na aktres; ka-live in na ang ipinalit

ADVERTISING

BLIND ITEM: As much as possible, this TV actress would refuse to talk about the present status of her marriage. Pero giveaway na that the couple is headed towards the end of the marital road sa nangingilid niyang luha na naghihintay lang ng cue para bumagsak ito.

Off-camera ay naibahagi ng aktres na totoong tagilid ang pagsasama nila ng kanyang asawa na pansamantala muna niyang iniwan sa isang Asian nation. Tila nagsimula ang kanilang marital problem when the actress failed to keep her promise na babalik siya roon after she was done with a showbiz commitment.

ADVERTISING

Ang kaso, nasundan pa ang trabahong ‘yon ng isang regular soap that, of course, will have her extend her stay in the country away from her nangungulilang husband.

Pero nangungulila nga ba ang mister ng aktres na balitang meron na agad ipinalit sa kanya at ka-live in pa? Naaawa tuloy kami sa aktres na itago na lang natin sa literary alias na Nenita Prose.

 

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING