Missing her Crazy Chef character: Jade Lopez, wish na mapasama ulit sa Alyas Robinhood!

ADVERTISING

Missing her Crazy Chef character: Jade Lopez, wish na mapasama ulit sa Alyas Robinhood!

Missing her Crazy Chef character: Jade Lopez, wish na mapasama ulit sa Alyas Robinhood!
Jade Lopez

LULUBOG-LILITAW sa Kapuso network ang Starstruck graduate na si Jade Lopez. Huli namin itong napanood sa Alyas Robinhood bilang Chef na super lunatic at may pagka-Kris Aquino ang peg ng pananalita, pero pagdating sa fight scenes ay matinik.

Kahit na sa bandang last few weeks na ng programa lumitaw ang Chef character niya sa show ni Dingdong Dantes, naging markado ito sa fans dahil maganda ang chemistry ng ‘Squid Goals’ nila nina Michael Flores (Llama) at Anthony Falcon (Chino). Baliw ang programang ito pero for some reason, ang kababawan nila ay nakakatuwa at nakakatanggal ng stress.

Dahil sa nalalapit na pagbukas ng ikalawang yugto ng Alyas Robinhood, tinanong ko si Jade kung kasama pa ba siya sa programa.

“Wala pa naman nasasabi sa akin, pero wish ko na sana maisipan nila na ipasok ulit ‘yung character naming nina Llama at Chino. Masaya kasi sa set at ang gaan nilang ka-trabaho. Dahil sa show, na-enganyo ako na ituloy-tuloy ulit ang showbiz sana..” isplika ni Jade.

ADVERTISING
Missing her Crazy Chef character: Jade Lopez, wish na mapasama ulit sa Alyas Robinhood!
Jade Lopez as Chef in Alyas RobinHood Book 1

Maganda sana kung kunwari may comeback ang “Squid Goals” at mas sexy na ang outfit ni Chef para kapag may fight scene sila ulit ni Venus (Andrea Torres) ay mas maging focused ang mga barakong manonood. He-he-he!

Kamakailan lang ay nagkaroon sila ng mini-reunion ng mga closest friends niya from Starstruck na sina Megan Young (na kasama rin niya sa Alyas Robinhood pero dead na ang character sa pagtatapos ng Book 1), Cristine Reyes (na kahit nasa ABS-CBN na ay solid pa rin ang friendship nila) at ng ex-boyfriend na si Christian Esteban.

Kumusta kayo ni Christian?

“Okey naman kami. Actually, matagal na kaming nag-part ways and I am now engaged to be married sa aking boyfriend for nine years.” nakangiti nitong sambit.

Sa ngayon ay busy si Jade sa non-showbiz commitments at pagta-travel. Kinahiligan niya ngayon ang pagvi-video blog at ang latest ay ang kanyang trip with friends sa Mindoro. Pati ang Winter Proposal sa kanya ng fiancé niya na si Rocky Siccion ay naka-upload din doon.

Sana nga ay isali ulit si Jade Lopez sa Alyas Robinhood 2 or bigyan siya ng bagong teleserye ng GMA-7. Isa siya sa underrated gems na mabigyan lang ng bonggang break ay aarriba ang karera nito like what happened kay Ryza Cenon recently.

 

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING