Miss World 1st runner-up Gwendoline Ruais, aprub sa pagsali ng transgender sa beauty pageant

Miss World 1st runner-up Gwendoline Ruais, aprub sa pagsali ng transgender sa beauty pageant

Miss World 1st runner-up Gwendoline Ruais, aprub sa pagsali ng transgender sa beauty pageant

HINDI RAW against ang 2011 Miss World 1st Runner-Up na si Gwendoline Ruais sa pagsali ng mga transgender sa isang  naturally-born female beauty pageant like Miss World (na TV5 na ang bagong tahanan) or Miss Universe, as long as pinayagan ng organizers.

“Iyong sa akin is each pageant has its purpose. Some pageants are able to find the most beautiful women in the Philippines or the most beautiful women in the world.

“So, ‘yung sa akin, kung gusto ng ibang pageant, like Miss Universe na mag-accept ng transgender, it’s up to them. Dapat po, i-specify po nila sa requirements nila na ‘yun ang bagong rules nila.

“At baka puwede nilang palitan na lang ‘yung name ng pageant to differentiate from the previous years when it was only women. ‘Yun lang po.”

“Sa akin po, as long as naka-specify po sa requirements ng pageant, okey lang sa akin. Because everyone who joins a pageant knows the rules and regulations.

“Nag-join po ako ng Miss World-Philippines knowing the rules and regulations. So, kung papalitan po nila ‘yung rules ng Miss World, it’s up to the girl who joins, na kung sasali po sila, i-accept na nila ‘yon.

“Wala akong anything against transgenders. Everyone for me is equal. Pero like I said, it’s all up to the organizers of the pageant kung ano ang gusto nilang ipalabas at kung anong hinahanap po nila sa pageant na ‘yan.

“It’s up to Julia Morley (Chairman ng Miss World Organization) po. Pero ako, when I joined, it was only for women and that’s it po. Ha-ha-ha!

 

HINDI RAW uurungan, bagkus ay haharapin daw ni Jaclyn Jose kung sakaling mapapasama sa demanda ng mga Casiño ang kanyang anak na si Andi Eigenmann, dahil na rin sa naging pahayag ng ina ni Albie Casiño na may kinalaman daw si Andi sa nasabing pambubugbog sa kanyang anak.

Kung dati ay tikom ang bibig nito sa mga nangyari sa relasyon nina Andi at Albie noong magkarelasyon pa ang mga ito, ngayon ay para itong bulkang sumabog sa pagsasabing ang anak daw niyang si Andi ang laging sinasaktan ni Albie.
May mga insidente pa nga raw na buntis na noon si Andi ay pinaghihinalaan pa ni Albie na may ibang lalaki na labis na ikinasama ng loob ng buong pamilya ni Jaclyn at ng mga Eigenmann.

Kaya’t  if ever daw na mapapasama sa demanda si Andi ay handa nilang harapin ito sampu ng kanilang pamilya, para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at ang tunay na agrabyado  sa mga nangyayari.

John’s Point
by John Fontanilla