Miss Universe Pia Wurtzbach, nagsasalawahan kina Atom Araullo at Sam Milby

ADVERTISING

Miss Universe Pia Wurtzbach, nagsasalawahan kina Atom Araullo at Sam Milby

Miss Universe Pia Wurtzbach, nagsasalawahan kina Atom Araullo at Sam MilbyPaano si Atom Araullo? ‘Di nga ba’t type ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang cutie news reporter ng Kapamilya Network?

ADVERTISING

Kaso, mas kinilig yata si Pia Wurtzbach nang magkita sila ni Sam Milby in person at very vocal ang dalaga sa kanyang paghanga sa binata.

Kung ganito na malaki at positibo ang epekto ng Miss Universe na si Pia sa kaguwapuhan at kamachohan ni Sam, siguro naman, ibang usapan na kung babagal-bagal pa ang binata.

Sa pagkakaalam ko, pangarap ni Pia na makasama sa isang film project si Sam ‘pag nabigyan ang dalaga ng pagkakataon na magbalik-showbiz after her reign as Miss Universe.

ADVERTISING

Hirap din naman kasi ang schedule ng dalaga sa muling pagbabalik sa kanyang pansamantalang home base, ang New York, kung saan for a year habang siya ang Miss Universe, doon muna siya titira habang ginagawa niya ang kanyang duties as Miss Universe.

At si Atom? Ewan. Parang waley rin. Noong dumating ang dalaga para bumisita sa ABS-CBN Network grounds at nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ng iba’t ibang mga hosts ng Kapamilya Network, isa si Atom Araullo representing Umagang Kay Ganda ang nag-interview sa kanya na after the interview, humalik si Atom sa labi ng dalaga na without any resistance, kaswal na kaswal lang naganap ang eksena. No big deal, ‘ika nga.

Kung saan aabutin ang “eklat” na pagkagusto ni Atom kay Pia and vice-versa ay abangan na lang.              Ang totoong paghanga at pagkagusto, hindi lang naman kasi pang on-camera.

Sus, ‘pag nagkataon, maniniwala na nga yata ako sa bulong ng isang kaibigan na ang sweet romance on camera nina Pia at Atom ay isa lang palabas.

At si Sam? Torpe naman ang binata.

Ewan ko kung ang mga press releases na ng mga eligible bachelors ng Kapamilya Network na naghahanap ng mga girlfriends para makasama at maging asawa nila at nagpaplano ng kasal-kasalan kahit waley pa naman silang mga katipan ay tuwirang paniwalaan, na ang lahat ay mga press releases nga lamang.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING