Miss Universe Pia Wurtzbach, gustong makasa sa wedding entourage nina Pauleen at Vic

ADVERTISING

Miss Universe Pia Wurtzbach, gustong makasa sa wedding entourage nina Pauleen at Vic

Pia-WurtzbachPagkatapos ng kontrobersiya na nangyari sa Miss Universe 2015, unti-unti nang dumarating ang suwerte kay Miss Philippines Pia Wurtzbach na tinanghal ng Miss Universe.
Hindi kataka-taka na umani ng isang milyong followers si Pia sa Instagram magmula nang tanghaling Miss Universe.
At higit sa lahat, sangkatutak na ang interesado kung sino si Pia Wurtzbach magmula nang masungkit ang Miss Universe para sa Pilipinas after 42 years.
Ipinakilala siya bilang si Pia Romero noong ilunsad siya bilang isa sa mga member ng Star Circle Batch 11, ka-batch sina Pauleen Luna, Glaiza de Castro, Carla Humphries, Rayver Cruz, Juddha Paolo, Mico Aytona, John Wayne Sace, at Cholo Barretto.
Nasa New York ngayon si Pia Wurtzbach at mananatili siya roon nang isang taon dahil sa kanyang duties as Miss Universe.
Kung papayagan si Pia ng Miss Universe, Inc., siguradong kasama siya sa entourage ng kasal ni Pauleen kay Vic Sotto in January 2016.
Sa interview kay Pauleen, naikuwento nito na gusto raw sana ni Pia na present ito sa kanyang kasal kay Vic next year. Pero kung papalaring maging Miss Universe ay malabo nang mangyari.
Sinabi ni Pauleen kay Pia na okey lang na hindi siya makarating at makasama sa kanyang kasal kay Vic kapag tinanghal na Miss Universe.
Magkasama kasing nangarap noon sina Pauleen at Pia nang magsimula sa showbiz na sana makamit nila ang hinahangad na tagumpay sa buhay.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING